top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

1 week nang wala sa show… VICE, IMBIYERNA SA MGA CO-HOSTS SA IT'S SHOWTIME

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 11, 2022
2 min read

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | October 11, 2022



Totoo nga kayang imbiyerna si Vice Ganda sa mga co-hosts niya sa It’s Showtime kaya since last week ay absent ito sa nasabing noontime show?


Ito ang napag-usapan nina Ogie Diaz at Mama Loi sa latest vlog nila dahil nga marami na rin ang nagtataka na since last week ay hindi nakikita si Vice Ganda sa It’s Showtime.


Tanong ni Mama Loi kay Ogie, “Gaano katotoo, ‘Nay, na kaya isang linggo nang wala sa Showtime si Meme Vice Ganda, eh, dahil imbiyerna siya?”


Balik-tanong ni Ogie, “Imbiyerna kanino?”


Wala namang naisagot si Mama Loi kaya sey ni Ogie, “Ang alam ko lang, ha, kung kilala ko si Vice, naiimbiyerna siya kapag kulang-kulang ang hosts. Naiimbiyerna siya 'pag walang dahilan kung bakit nag-a-absent. Naiimbiyerna siya kung bakit hindi pa tapos ang show, may umaalis nang mga co-hosts.”


Kung sino raw ang kinaimbiyernahan ni Vice sa It’s Showtime, ayon kay Ogie ay hindi na niya alam, although ayaw maniwala ni Mama Loi na walang alam ang kanyang partner.


Bukod kasi sa dating manager ni Vice Ganda si Ogie ay mabuti rin silang magkaibigan kaya posible talaga na alam niya ang dahilan ng pagkawala ng TV host sa show.


Pero nasabi na rin ni Ogie na baka nga naimbiyerna si Vice sa ibang co-hosts.


“Kasi nga, ‘yung 'di ba, hindi consistent sa pagpasok? Tapos, parang si Vice, ‘yun lagi ang bumabangka, wala siyang kasaluhan, wala siyang kabatuhan,” sey ni Ogie.


Huling hirit pa ni Ogie, “Pero hindi, eto, ha? Honestly, maaayos din naman ‘yan,” na para na nga ring kinumpirma niya na may problema nga.


Maging si Mama Loi ay pinuna siya ng “Ay, huli! Huli ka! O, sinabi mo, maaayos, so may aayusin? So, may nangyari, may ganap, may gusot.”


Tawa lang nang tawa si Ogie.


‘Yun na!

Ang tanong, kanino nga ba naimbiyerna si Vice sa mga co-hosts niya? At true kaya ang isa pang tsikang narinig namin na baka tuluyan na siyang umalis sa It’s Showtime?


Pero ang alam din namin ay busy si Vice Ganda sa kanyang Metro Manila Film Festival entry with Ivana Alawi. So, baka naman ‘yun lang ang rason.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page