1 week after lumabas... MISIS NI ANDREW BALIK HOSPITAL
ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | October 18, 2022

Nitong Oktubre 10, 2022 lang naiuwi ni Andrew Schimmer ang asawang si Jorhomy Rovero or Jho sa bahay nila sa Bulacan pero heto at muling ibinalik sa hospital pagkalipas ng isang linggo base sa post ng aktor-vlogger sa kanyang Facebook account nitong Lunes, Oktubre 17.
Ang caption ni Andrew sa video ng asawa, “Just after a week, she’s back in the hospital again.
Need po siya ipasok ulit sa ICU for few days, until mag-stable po ulit siya. Please, plsss. pray for her, she needs it. Pls. God give her the strength to push through. Kailangan po siya ng puso ko, Panginoon ko.
“Guys dito kami sa ER (emergency room) ng St. Luke's, pinapa-stable lang kasi ang taas ng heart rate niya, tapos baka ilipat namin siya ng MCL Makati dito sa may Muntinlupa (humugot ng hininga), kailangan siyang ipasok ulit sa ICU nang ilang araw. So, aayusin ko muna guys, I will keep you posted.”
Ang saya-saya pa naman ni Andrew last week dahil finally ay naiuwi na niya ang asawa sa bahay nila pagkalipas ng mahigit isang taong pamamalagi sa St. Luke's Global at umabot sa P7.1M ang bills nila na inuunti-unti niyang bayaran.





Comments