top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

1 Star Magic artist daw ang dahilan… KINUMPIRMA NI OGIE: BARBIE AT DIEGO, HIWALAY NA!

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 26, 2022
3 min read

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters! | January 26, 2022




Sa in-upload na vlog ni Ogie Diaz sa kanyang YouTube channel kasama sina Mama Loi at Tita Jegs habang nakalubog sila sa pool ay inamin ng una na hiwalay na talaga sina Diego Loyzaga at Barbie Imperial.


Sa nakaraang Zoom mediacon ng pelikulang The Wife na kasama si Diego at ang dalawang aktres na sina Cara Gonzales at Louise delos Reyes sa Viva Films ay natanong ang aktor kung bakit hindi niya kasama si Barbie sa Amerika.


Hindi inaasahan ng binata na matatanong siya dahil simula pa lang ng mediacon ay may pasintabi na ang host na si Jean Kiley na "no personal questions", base na rin sa request ng artista.


Pero hindi nasunod dahil pasimpleng natanong nga ang aktor at maayos naman niya itong sinagot.


Binasa nga ni Mama Loi ang sinabi ni Diego sa mediacon, “I came here all of a sudden and it wasn’t planned. I don’t think Barbie has a blue passport. I booked my flight a day before I left. Even if she wanted to come here, she couldn’t have come here. She needs a visa to come here, I think.”


“Bakit may mga I think? Hindi sila nag-usap?” balik-tanong ni Ogie kay Mama Loi.


“'Yun ang palaisipan sa sagot niya ‘Nay, kasi ‘I don’t think she has, I think…' Hindi ba sila nag-usap bago siya umalis?” sagot ng co-host ng talent manager-vlogger.


Ano nga raw ba ang ini-expect ng netizen na dapat ay sagot ni Diego?


Ang naisip nilang tamang sagot dapat ni Diego, ayon kay Mama Loi, “'Di ba dapat, mas diretso na salita na, ‘Ah, she would like to come or I invited her to come with me kaso she doesn’t have a visa.’ 'Di ba dapat, ganu’n? Bakit ‘I think she doesn’t have a passport, I think she doesn’t have a visa.’ Bakit hindi niya alam?”


Dagdag pa ni Mama Loi, “Ikaw, ‘Nay, ano'ng dating sa ‘yo nu'n?”


Opinyon naman ni Ogie bilang talent manager, “Eh, feeling ko, parang may pagkakagalit.


Maaaring nasa cool-off stage sila or parang wala na sila at all! Kasi kung mapapansin mo, wala silang mga posts na magkasama sila nu’ng Pasko?”


Susog din ni Mama Loi, “At saka, wala rin silang greetings sa isa’t isa noong Christmas at New Year.”


“Eh, napaka-open nila sa mga ganyan, tapos ‘yung pronouncement kung gaano nila kamahal ang isa’t isa, tapos ito lately, wala?” sambit pa ni Ogie.


Napag-usapan ding kamakailan lang nag-celebrate ng kanilang isang taong anibersaryo ang dalawa, na pinaghandaan talaga ni Diego ng romantic dinner out of town, tapos mababalitaan mo, biglang walang kasunod na aktibidades ang dalawa?


At dito na nagkuwento si Ogie na may nagsabi sa kanyang opisyal nang hiwalay ang DiegBie.


“Pero ito naman ang nasagap ko, naku, ito na ang pagka-Marites ko (sabay tawa),” saad ni Ogie.


“Ito lang po ang nasagap natin, ‘no, na ‘yung dalawa raw ay wala na, totoo ba? Ito, tinatanong ko, ah, kasi mayroon lang pong nagparating sa akin.


“Na sina Diego Loyzaga at Barbie Imperial, na ang kanilang relasyon, ang sabi lang sa akin, ha, waley na raw. Sana, nag cool-off lang sila. O sana, nagpapahinga lang sila. Baka masyado silang naano (pagod), eh.”


At binalikan ni Mama Loi ang sagot ni Diego sa tanong ni TV Patrol reporter Mario Dumaual na "He likes it there na parang sa lahat ng napuntahan niyang bansa ay parang doon siya feel at home. Na kaya parang ini-invite siyang doon na mag-work, na parang kino-consider niya, hala! So, hindi na siya babalik?”


Tuloy na kuwento ni Ogie, “Ang nabalitaan natin ay nag-away daw itong sina Barbie at Diego, tapos ang sabi, mamili lang daw si Diego, 'Itutuloy pa ba natin ‘to o hiwalay na (relasyon)?'

“Eh, parang nanalo yata ‘yung hiwalay na. ‘Yun ‘yung nakarating sa akin, ha? Itong aming pagka-Marites is with a heart. Sana, hindi pa sila naghiwalay.


“Sana, baka may problema sila, maayos naman ‘yan. ‘Yun naman ang ating hino-hope kasi lalo na, grabe ‘yung kanilang pronouncement talaga kung gaano nila kamahal ang isa’t isa.”


Nabanggit naman ni Mama Loi na ang dahilan umano ng hiwalayan ay isang Star Magic artist, bagama't hindi naman binanggit kung sa parte ni Barbie o ni Diego.


At muling ipinagdiinan ni Ogie na sana ay nagpapahinga lang ang dalawa, pero kung hindi na talaga kayang ayusin, sana ay magpaalam na sila sa isa’t isa at maging magkaibigan sa huli.


Oo nga, kami rin dito sa BULGAR, nagwi-wish na magkabalikan pa ang DiegBie.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page