1 pang suspek sa pagpatay sa lady cop at anak, sumuko
- BULGAR

- 1 hour ago
- 1 min read
ni Gina Pleñago @News | February 3, 2026

Photo: PNP-PIO
Dahil sa takot at konsensya, isa pang suspek ang sumuko kaugnay sa pagpatay kay Police Senior Master Sergeant Diane Marie Mollenido at 8-anyos na anak.
Ayon kay NCRPO Chief Police Major General Anthony Aberin, nagtungo sa tanggapan ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) ng Quezon City Police District (QCPD) ang suspek kahapon.
Bukod pa ito sa apat na hawak ng mga otoridad matapos hulihin kaugnay sa krimen, kabilang ang mister ng policewoman.
Wala pang idinetalye sa pagkakakilanlan ng sumurender na suspek at kung ano ang partisipasyon niya sa krimen.
Sa isang search warrant, sinalakay ang bahay ng mag-asawang car agent at dismissed police officer sa Novaliches, Quezon City kung saan huli umanong nakitang buhay ang mag-ina.
Doon nakalap ang mga ebidensya kabilang ang mga bakas ng dugo at cellphone ng biktima.
Una rito ang pagsasagawa ng backtracking at forward tracking sa mga CCTV sa mga lugar at natukoy ang sunud-sunod na pangyayari na nagtuturo sa bahay ng mag-asawa na huling pinuntahan.
Nagtungo ang mga biktima sa nasabing bahay ng Enero 16 at noong Enero 24 ay natagpuan ang naaagnas na bangkay ng policewoman, sa Pulilan, Bulacan at Enero 29 nang makita naman ang bangkay ng bata sa calamansi farm sa Victoria, Tarlac.
Inamin din ng isa sa suspek na nasaksihan niya ang nangyaring pamamaril sa biktima sa bahay ng mag-asawa.








Comments