top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

1 lang daw ang kondisyon… AGA, APRUB NA MAG-ARTISTA RIN ANG MGA ANAK

BULGAR
Mar 9, 2022
2 min read

ni Julie Bonifacio - @Winner | March 9, 2022



Papayagan ni Aga Muhlach ang mga anak nila ng misis niyang si Charlene Gonzalez na pasukin ang showbiz sa isang kondisyon. ‘Yun ay kailangang tapusin muna nila ang kanilang pag-aaral sa kolehiyo. Para mismong ang kanilang mga anak, ang kambal na sina Atasha at Andres, ang magdesisyon for themselves.


“Sila ang magdesisyon kung gusto nilang pumasok sa industriya ng entertainment. I want to come from them, hindi manggagaling sa akin, hindi manggagaling sa publiko,” pahayag ni Aga sa ginanap na virtual presscon para sa bagong show ng aktor sa NET25 titled Bida Kayo Kay Aga na magsisimula na sa March 26, Sabado, 7 PM.


Inamin naman ni Aga na sa ngayon ay parang feeling niya, gusto nang mag-showbiz ni Atasha.


“Nagugustuhan niya talaga and sabi ko, ‘You just have a year and a half to go in college at pagkabalik mo, then it’s really up to you. I can introduce you to some people I know who can manage you, and then go ahead, it’s your call.’ Hindi ako makikialam talaga sa kanila, eh. And even with my son Andre, ganu'n din naman,” tsika ni Aga.


Parehong sa ibang bansa nag-aaral ang kambal na anak ni Aga. Nasa London si Atasha samantalang nasa Spain naman si Andres.


Hindi raw naging mahirap kina Aga at Charlene nu’ng umalis ng Pilipinas ang kanyang kambal na anak para mag-aral ng kolehiyo abroad.


“Mula kasi nu'ng nag-asawa kami ni Charlene, pinag-uusapan na namin 'yan, na at the end of the day, tayong dalawa ang magkasama talaga. Ang mga anak natin ay nilikha natin, nilikha ng Panginoon, pero ibig kong sabihin, ang anak natin, paglaki niyan, mag-aasawa, iiwan din tayo, magkakapamilya. Ang importante, sabi ko, tayong dalawa, magkasama talaga.”


Kaya nasanay na raw sila ni Charlene na iniiwan sila ng kanilang kambal.


“At the same time, napakaganda din ng nangyayari ngayon because of the internet at hindi na mahirap, kasi puwede kayong mag-usap araw-araw. Puwede kayong magkita kasi there is Facetime, may mga apps para magkita-kita ngayon at magkausap ang pamilyang magkakalayo sa isa’t isa. Nand'yan lahat 'yan.”


Kuwento pa ni Aga, nakabuti raw na nasa ibang bansa ang kanyang mga anak nu’ng katindihan ng COVID-19 pandemic.


“Nu'ng kalagitnaan ng pandemya sa Europa at sa Amerika, medyo bukas sila nang konti, so mas nakakaikot ang mga anak ko ru'n kaya masaya kami. Kesa nakakulong sila rito, mas mabuting nandu'n sila, nakakagala sila.


“Pangalawa, masaya rin kami more than malungkot dahil alam namin 'yung anak namin, nagiging independent dahil sila lang ang nandu’n.


“Natututo silang kumilos mag-isa, magluto mag-isa, mag-ayos ng kuwarto nila, ng gamit nila, mag-budget ng pera nila, lahat.


“So, habang nangyayari 'yan, alam namin na mahirap para sa kanila sa umpisa, pero alam namin na sa ikabubuti rin nila 'yun.


“At dahil sa alam namin na 'yun, maganda ang pakiramdam ng puso naming mag-asawa, nagiging responsible ang mga anak namin.”


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page