top of page

1 buwang suspensyon sa CAVITEX Toll fee, malaking tulong sa publiko

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 28, 2024
  • 2 min read

ni Bong Revilla @Anak ng Teteng | June 28, 2024



Anak ng Teteng ni Bong Revilla Jr.


Kapuri-puri ang inisyatiba ng Philippine Reclamation Authority (PRA) na suspendihin ang pangongolekta sa ilang bahagi ng Manila-Cavite Toll Expressway upang matulungang maibsan ang gastusin ng publiko mula sa hindi mapigilang pagtaas ng presyo ng petrolyo, pero dapat na ipatupad na agad ito. 


Tutal aprubado na naman ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr., kaya nga inatasan na niya ang PRA para sa suspensyon ng paniningil sa lahat ng uri ng sasakyan na tumatahak sa Manila-Cavite Expressway (CAVITEX) patungo sa mga lugar ng Taguig, Parañaque, Las Piñas, Bacoor, at Kawit, tiyak na mapaluluwag din ang daloy ng trapiko sa mga pangunahing lansangan sa mga naturang lugar.


Sobra kong ikinatutuwa ang hakbang ng PRA na suspendihin ang pagsingil ng toll sa ilang parte ng CAVITEX. This will surely provide ease to the public especially that cost of goods and prices are rising.


Malaking pasasalamat kay Pangulong Marcos dahil batid niya ang kalagayan at dinaranas ng ating mga kababayan, lalo na ang ordinaryong Pinoy na makakatipid dahil sa 30-day toll suspension na ito.


Ang PRA bilang operator ng CAVITEX ang siyang magpapatupad ng toll holiday bagama’t wala pang inaanunsiyong petsa kung kailan ito isasakatuparan -- kaya nga pinupukpok natin ang Toll Regulatory Board (TRB), ang inatasang magpatupad nito na gawin na sa lalong madaling panahon. 


Tuluy-tuloy kasi ang infrastructure development sa iba’t ibang bahagi ng bansa, lalo na sa Cavite at Southern Luzon.


We are really entering a golden age of infrastructure development. Dito pa lang sa Cavite, ramdam na ramdam na ang mga makabuluhang proyekto ng pamahalaan na paniguradong maghahatid ng malaking benepisyo sa ating mga kababayan.


Excited na rin ang mga Caviteños na matapos ang mga isinasagawang expressway links, kabilang na ang LRT Line 1 Extension na magbibigay ng mabilis at maayos na biyahe sa publiko.


Kaya umaapela tayo sa ating mga kababayan na habaan pa ang pasensya at pag-intindi dahil malaking abala ang mga konstruksyon ngunit kapag natapos ang mga ito ay napakalaking ginhawa naman.


Ngayon pa lang ay hihingin na natin ang pang-unawa ng taumbayan sa posibleng aberyang dulot ng construction ng mga daan na ito. Rest assured that we will remind the DPWH and the contractors to be efficient and timely in delivering results. Excited na ako sa mga development na ito kaya sama-sama tayong sumuporta rito.


Ang Cavitex C5 Link ay pinagsama-samang proyekto ng PRA, TRB, at Cavitex Infrastructure Corporation, na isang subsidiary ng Metro Pacific Tollways Corporation na idinisenyo upang mapabuti ang rehiyonal na paggalaw ng mga tao at mga kalakal, na nag-aalok ng mas mabilis at higit pang mahusay na ruta para sa mga commuter at serbisyo sa transportasyon.


Kaya sa mga motorista na panay ang reklamo sa dalang abala ng naturang proyekto ay konting tiis muna dahil para sa ating lahat ang proyektong ito.


Anak Ng Teteng!

 

May katanungan ka ba, reklamo o nais ihingi ng tulong? Sumulat sa ANAK NG TETENG! ni BONG REVILLA sa BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa anak­ng­teteng.bulgar@ gmail.com

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page