1 buwan na raw ang relasyon, Sylvia… KALAT NA: RIA, BUNTIS KAY ZANJOE
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | September 5, 2022

May nilulutong proyekto ang ABS-CBN para kina Tony Labrusca, Jane Oineza, JC de Vera at Ria Atayde.
Kalakip ng apat na larawan ng Kapamilya artists, may caption ito na: “Something is brewing.
Soon!” ayon sa JRB Creative Production.
Wala pang detalye kung ano ang bagong 'putahe' na kanilang gagawin, pero ang malamang na magiging direktor ay si FM Reyes.
Una nang nagkasama sina Labrusca at Oineza sa pelikulang Ang Henerasyong Sumuko Sa Love nu'ng 2019.
Magkasama naman sina Ria at Jane sa thriller series na Cattleya Killer na hindi pa naipapalabas.
May nagkomentong netizen na ikinaintriga ng mga nakabasa, "Papa'no makakapag-shoot si Ri kung buntis siya?"
So, nag-viral sa social media na preggy umano ang aktres at ang itinuturong ama ay si Zanjoe Marudo.
Ayon sa mga sitsit, isang buwan na umano ang relasyon nina Ria at Z, na inamin na raw naman ng huli sa isang panayam.
Anyway, kung totoo man na may relasyon na sina Zanjoe at Ria, wala namang masama dahil pareho silang single at loveless.
Besides, nasa tamang edad na silang pareho. Zanjoe is 41 at 30 naman na si Ria.
At kung totoong preggy nga si Ria, hindi naman siguro siya ililigwak ng aktor.
Aba, sa mga panayam kay Zanjoe, lagi niyang sinasabing gusto na rin daw niyang magkapamilya, ha?





Comments