top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

1 buwan daw na-miss ang BF… KIM, TODO-YAKAP KAY XIAN PAGBALIK NG 'PINAS

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 19, 2022
1 min read

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | August 19, 2022



Kumpleto na ang pakiramdam ni Kim Chiu ngayong nasa Pilipinas na siya at nakayakap na ang boyfriend na si Xian Lim.


Sa short video na ipinost ni Kim sa kanyang Instagram, makikitang collection ito ng mga clips kung saan ay niyayakap niya ang sarili habang nasa US siya.


Of course, tila ipinapakita ni Kim na nami-miss na niya si Xi at wala siyang ka-hug sa US kundi ang sarili.


Sa pinakahuling clip, makikitang magkayakap na sila ni Xian at halata talagang na-miss nila ang isa’t isa dahil ang higpit ng yakapan nila.


“Finally!!! Complete again after almost a month! huggsss!!!!” caption ni Kim.


Mukhang na-touch naman si Xian sa video ni Kim at komento niya, “Awwwwwww (heart emojis) hahahahah.”


As we all know ay galing si Kim sa US concert tour niya kasama ang iba pang Star Magic artists.


Halos isang buwan nga siyang nawala kaya hindi kataka-takang sobrang na-miss nila ni Xian ang isa’t isa.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page