top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

1,700 nahuling daga, todas sa Marikina City

Writer: BULGAR
BULGAR
Sep 15, 2022
1 min read

ni Lolet Abania | September 15, 2022



Mahigit sa 1,000 daga na ang nahuli sa Marikina City matapos ang inilunsad na programa ng lokal na pamahalaan na sa mahuhuling daga ang kapalit nito ay cash.


Batay sa kanilang “rat to cash” program, P200 ang ibabayad ng city government sa mga residenteng makapagdadala sa kanila ng daga na tumitimbang ng 150 gramo pataas.


“Kahapon, naka-1,700 na daga ang nabilang namin na nahuli at nai-dispose properly,” pahayag ni Marikina Mayor Marcy Teodoro sa isang interview ngayong Huwebes.


“Kahapon, ang binayaran namin doon sa palit ng cash… Umabot kaming P300,000,” dagdag pa ng mayor.


Ayon kay Teodoro, may naitalang 3 kaso ng leptospirosis sa kanilang lungsod.


Subalit aniya, hindi sa Marikina nakuha ng mga pasyente ang naturang sakit kundi sa ibang lugar.


“Dalawa dito ay construction worker, bumaha doon sa lugar na pinagtatrabahuan at ‘yung isa, factory worker,” saad ni Teodoro.


Giit ni Teodoro, patuloy ang pagsisikap ng lokal na pamahalaan na maiwasan ang pagbabaha sa lungsod na sinabayan pa ng kanilang “rat to cash” program.


“Ang maganda lang nangyayari ngayon, dahil nga may dredging kami sa Marikina River, ginagawa namin, buhat pa nu’ng Ulysses, tuluy-tuloy, at pinalaki namin ‘yung drainage system namin, ay walang reported flooding nitong nakaraan buwan,” paliwanag ni Teodoro.


“Kaya talagang ‘yung long-term solution, at ‘yun ‘yung tinututukan namin, ay ‘yung maiwasan ‘yung baha. Tsaka ‘yung kalinisan ng lugar,” sabi pa ng mayor.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page