top of page

1.7 M doses ng Pfizer vaccine na donasyon ng US, dumating na

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 20, 2021
  • 1 min read

ni Lolet Abania | December 20, 2021



Mahigit sa 1.7 milyon doses ng Pfizer-BioNTech COVID-19 vaccine ang dumating sa bansa ngayong Lunes ng hapon.


Lumapag sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 pasado alas-4:00 ng hapon ang 1,775,955 doses ng Pfizer vaccinena donasyon ng US government sa Pilipinas na ipinadala sa pamamagitan ng global vaccine-sharing facility na COVAX.


Ayon kay US Embassy Charge d’Affaires ad interim Heather Variava, ang shipment ngayong araw at isa pa na darating nitong Martes ay aabot sa kabuuang 3.4 milyon doses ng COVID-19 vaccine.


“This 3.4-million donation will bring the total donation from the United States, from the American people, to 22 million [doses],” sabi ni Variava.


Sa ngayon, nakapag-administer na ang bansa ng 100,907,667 COVID-19 vaccine doses. Nasa tinatayang 43 milyong Pilipino naman ang fully vaccinated na.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page