top of page
Search

ni Madel Moratillo | June 5, 2023



ree

Nasa bansa na ang halos 400 libong doses ng Pfizer bivalent COVID-19 vaccines na donasyon mula sa Lithuanian government.


Ayon sa Department of Health, ang bivalent ay Omicron specific pero nagbibigay proteksyon din sa orihinal na COVID-19 strain.


Bukod sa dumating na bivalent vaccines galing Lithuania, inaasahang makatatanggap pa ang Pilipinas ng dagdag na doses galing naman sa COVAX facility.


Sa ilalim ng guidelines ng DOH, ang mga healthcare workers at senior citizens ang prayoridad na mabigyan ng mga ito.


Sa datos ng DOH, hanggang nitong Marso 20, sa A1 ay nasa 674,471 palang ang may 2nd booster habang 970,020 naman sa A2.


 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | April 1, 2022


ree

Nasa 936,000 doses ng reformulated Pfizer COVID-19 vaccine ang dumating sa bansa nitong Huwebes ng gabi.


Ang pinakabagong shipment batch na ito ay binili ng gobyerno sa pamamagitan ng World Bank.


Nauna ring nakatanggap ang Pilipinas ng 936,000 doses ng reformulated Pfizer COVID-19 para sa mga batang edad 5 hanggang 11.


Samantala, mahigit 65.6 milyong indibidwal o 72.93% ng target ng gobyerno ang ngayon ay fully vaccinated na kontra-COVID-19.


Nasa 11.8 million naman ang nakatanggap na ng kanilang booster shots.

 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | March 27, 2022


ree

Dumating sa bansa ang 1.2 million doses ng reformulated Pfizer COVID-19 vaccine para sa mga batang edad 5 to 11 nitong Sabado ng gabi.


Ang bagong dating na batch na ito na binili ng bansa sa pamamagitan ng World Bank ay dumating sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 bandang 8 p.m., ayon sa National Task Force Against COVID-19.


Bago pa man ang shipment na ito, nakatanggap na ang Pilipinas ng 1,147,000 doses ng reformulated Pfizer COVID-19 vaccine noong Biyernes.


As of March 24, nasa 72.81% na ng target population ang nabakunahan na, ayon sa Department of Health.


Samantala, nasa kabuuang 736, 143 kabataan na ang fully vaccinated habang nasa 1.8 million naman ang nakatanggap na ng first dose.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page