top of page
Search
  • BULGAR

1 1/2 year naging mag-BF, Mavy... Darren, umamin sa dahilan ng hiwalayan nila ni Kyline

ni Eli San Miguel - Trainee @Entertainment | April 16, 2024




Inamin na ng It's Showtime host na si Darren Espanto na naging sila ng aktres na si Kyline Alcantara.


Sa Fast Talk with Boy Abunda noong Lunes, tinanong si Darren tungkol sa trending guest appearance ni Kyline sa nasabing noontime show noong Abril 10, kung saan tila may nakakakilig na ugnayan ang dalawa.


“What is the true story? Sabihin mo sa akin ang totoo Darren… Naging kayo? It's answerable by yes or no,” tanong ni Boy Abunda kay Darren.


“Hindi ko po masagot ng yes or no kasi it was a puppy love kind of thing,” sagot ni Darren.


“But there was?” tanong uli ni Boy na agad sinagot ni Darren, “Opo. Before when we were younger.”


“So it was a formal puppy love relationship,” paglilinaw ni Boy.


“Yeah,” pagsang-ayon ni Darren.


Sa kanyang panayam, nilinaw din ni Darren kung ano ang sinasabi ni Kyline sa kanyang pagbisita sa noontime show, gamit ang phrase na “Kasi nga…”


“Kasi nga mako-complete ko na po 'yung sentence. Kasi nga naging kami dati, so kaya binibiro kami ni Ate Vice [Ganda],” paliwanag ni Darren.


Ibinunyag din ng singer na nagtagal ang kanilang relasyon ni Kyline ng isang taon at kalahati. Kasunod nito, ibinahagi niya ang rason ng hiwalayan, “There was some misunderstanding, and then when we were both mature, parang six years later napag-usapan na namin and eventually we became okay with each other again, naging friends ulit kami.”


“Misunderstandings talaga kasi syempre kapag mga bata parang [may] konting mga petty na away,” dagdag niya.


Matatandaang sina Darren at Kyline ay naugnay din sa Legaspi twins na sina Mavy at Cassy Legaspi. Mag-bestfriend sina Darren at Cassy, at dati namang on-screen partner ni Kyline si Mavy.


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page