top of page

Inggit much sa mga BFF… ANGELICA, NA-STOP SA PAGTOMA NANG MAGING SEX GURU

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 12, 2021
  • 3 min read

ni Julie Bonifacio - @Winner | December 12, 2021




Malukish-lukish si Angelica Panganiban sa role niya bilang sex guru sa bagong WeTV series titled The Kangks Show directed by Antoinette Jadaone.


Ang tapang ng dating para kay Angelica ng script at directorial project ni Direk Tonet.


“Nasa States ako nu’ng natanggap ko na talaga ‘yung script niya. Parang third draft ‘yung natanggap ko nu’ng nasa States ako. Alam ko na work ito, eh. Alam ko na pagtatrabahuhan ko ‘to. Tutal, may ten days ako na quarantine, eto na lang ‘yung gagawin ko. Pero dahil alam ko na si Tonet ‘yung nagsulat, na-excite ako. Binasa ko siya nu’ng nasa States ako,” pahayag ni Angelica.


Nagkaroon daw siya ng malaking problema dahil hindi niya na-enjoy ‘yung last days ng vacation niya sa States. Naka-focus na raw kasi siya sa proyekto at puro worries na ang nasa isip niya.

“Ang ganda nga, hanggang nandoon na ako sa realization na, ‘Paano ko ‘to gagawin? Hindi ko ‘to kayang i-memorize. Lagpas ten pages ‘yung sinasabi nu’ng karakter ko. Tapos, hindi naman baklaan. Kung baklaan ‘yun, kaya ko ‘yun. Pero ‘yung doktor ka, matalino ka, sobrang sensitive nu’ng mga salitang dapat mong bitawan, ‘Aba’y kailangan nating mag-usap, Direk.’


“Umabot naman kami sa ganoon. Ayan, nag-Zoom, nagpasa siya ng mga dapat kong pakinggan, panoorin. Tapos, uh, bawas talaga ng bisyo. Tanggal inom. Naiiyak ako minsan na, ‘Huh?!


Uminom kayo kagabi?’


“Na ako ang promotor sa ganyan. For the first time, wala ako (hindi siya ka-join sa inuman).


“Hindi mo rin talaga kasi gagawin. Ah, hindi puwede. Kapag sinabi mong pack-up, mahaba pa ang trabaho ko. Meron pa akong another night, para akong bumalik ulit ng school. ‘Yung paggaling mo ng school, meron ka pang homework na malala. Tapos, exam na, ganoon. Kasi nga, naka-bubble kami. So, siksik talaga ang isang buong araw. ‘Yun ang preparations na ginawa ko for my role sa The Kangks Show," paglalahad pa ni Angelica.


Angelica plays the role of Doctora Kara Teo na host ng "no holds barred" midnight sex advice sa The Kangks Show.


Para naman kay Direk Tonet, dapat daw ay matagal nang pinag-uusapan ang sex at hindi pinagbubulung-bulungan.


“Or ‘yung tipong ibibitin na pag-usapan sa TV o sa pelikula. So, happy ako na tinanggap ng mga nandito na cast ‘yung mga roles nila. Uhm, ‘yung kahit lagyan namin ng Eukoplast ‘yung mga boobay nila, ganu'n. Kasi nga siyempre, hahaha! (tungkol sa sex ang content ng movie).


So, sobrang happy ako sa kanila,” esplika ni Direk Tonet.


Bukod-tanging si Angelica lang daw ang nasa isip ni Direk Tonet para gumanap bilang si Dra. Kara.

“Si Angge, kapag hindi niya tinanggap ito, wala ‘yung show. Change concept ako. Hahaha!


Siya lang talaga ‘yung napili ko na magpe-play ng doktora. Siya lang ang nasa utak ko. Busy kasi si Meryll Streep, eh. So, sabi ko, ‘Sige na nga, ‘yung Angelica na nga lang.' Hahaha!”


Nu’ng nakuha na raw niya si Angelica, saka na siya bumuo ng list para sa mga artista na gaganap sa ibang roles sa The Kangks Show.


“Baka kasi mamaya, hindi niya tanggapin, sayang ‘yung makuha ko na ibang (members of the) cast. Kaya nu'ng umoo na si Angge, saka kami naghanap ng artista para sa ibang characters sa show.


“Happy naman kami kasi nu’ng mag-script reading kami kahit nasa Zoom lang kami, may kani-kanya na silang baon for their characters. So, from the lead role, to the support, to the letter senders, parang happy ako na lahat sila, may sarili silang ambag doon sa mga roles nila. Kasi, admittedly, hindi mahirap, kahit sa mga letter senders, kumbaga, hindi siya raket, ‘yung ‘Uy, best friend ka lang dito,’ ganyan.


“'Yung mga roles na ibinigay ko sa kanila, may halikan, may sex, may magpapakita ng ganyan, ganire. Parang lahat sila, magsa-shine.


“Natuwa naman ako na pagdating doon sa set, wala namang nag-walkout. Tsika. Hahaha!”


Super happy din si Direk Tonet nu’ng ipinitch niya ang proyekto sa WeTV at tinanggap ang proyekto niya.


“Natatakot kasi ako na baka palitan nila ‘yung title. Baka maging The Toot Show, ganyan.


Kapag sinabi ng WeTV, ‘Hindi namin papayagan ang title na ‘to,’ parang doon pa lang, may disconnect na. Parang ‘di tayo aligned kung ano ‘yung statement ng series. Pero 'yun nga, umokey sila. Very collaborative ‘yung WeTV. Ang isa pang okay sa WeTV, the app is free.


“And it means a lot to me because if WeTV is free, more people can watch it. ‘Yun naman ang importante, kapag available naman ang isang kuwento sa mga tao, papanoorin nila ‘yan kasi mas inilalapit mo sa kanila, eh.


“Admittedly naman ngayon, parang ang dami nating dapat pagkagastusan. ‘Yung mga pelikula at series, parang siyempre, malayo na ‘yan. Hindi siya top priority. Siyempre, unahin nating kumain. Pero 'pag ganyan, dahil nga free, kayang-kayang panoorin ng mga tao.”

Magsisimulang mapanood ang series na The Kangks Show sa WeTV on December 17, 8 PM.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page