top of page
Search
BULGAR

‘Zero waste’ ngayong Holy Week

@Editorial | Marso 26, 2024


Kasabay ng paggunita ng Semana Santa, umapela ang isang environmental watchdog group sa publiko na gawin itong mas makabuluhan sa pamamagitan ng pag-iwas sa single-use plastics (SUPs).


Ang panawagan ay kasunod na rin ng inaasahang pakikiisa ng maraming Katoliko sa iba’t ibang aktibidad ngayong Holy Week kabilang ang “Pabasa”, “Bisita Iglesia”, “Alay-Lakad”, “Santo Entierro” at “Easter Salubong”.


Sa mga nakalipas na taon, kapansin-pansin ang patuloy na pagkakalat sa mga pilgrimage churches at sites kung saan karamihan ng mga iniiwang basura ay mga used plastic bags, bottles, cups, cutlery, upos ng sigarilyo at food containers.


Ngayong taon, umaasa tayong makikiisa na ang lahat ng mananampalataya para maging climate-friendly at SUP-free ang paggunita ng Semana Santa.


Huwag nang gumamit at magtapon ng SUPs lalo sa mga pilgrimage sites, bawasan ang paggamit ng plastic tarpaulins.


Kung hindi maiiwasan ang paggamit ng mga ito, iuwi na lang ang basura at itapon nang maayos.


Matutunan sana natin ang tunay na pag-aalaga at pagmamahal sa kalikasan.


0 comments

Recent Posts

See All

Comentarios


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page