top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Malalim na imbestigasyon sa natupok na barko

Writer: BULGAR
BULGAR
1 day ago
1 min read

by Info @Editorial | September 12, 2026



Editoryal, Editorial


May mga buhay na nawala at marami pa rin ang nawawala matapos masunog ang isang pampasaherong barko sa karagatan ng Coron, Palawan. Hindi sapat na tawagin lamang itong isang trahedya. Kailangang malaman kung bakit ito nangyari—at kung sino ang dapat managot.


Ang bawat barkong pinapayagang maglayag ay may obligasyong maging ligtas. Ang bawat ahensiyang nagbibigay ng permiso at nagsasagawa ng inspeksiyon ay may tungkuling tiyaking hindi magiging kabaong sa dagat ang isang sasakyang-dagat.


Kaya dapat maging mabilis ngunit masusi ang imbestigasyon. Saan nagsimula ang apoy? Gumagana ba ang fire suppression at safety equipment? Nasunod ba ang lahat ng regulasyon bago bumiyahe? Naging sapat at mabilis ba ang emergency response?

Hindi dapat mauwi ang insidenteng ito sa karaniwang siklo: trahedya, imbestigasyon, pangako—pagkatapos ay katahimikan.


May mga pamilyang naghihintay ng kanilang mga mahal sa buhay. May mga buhay na hindi na maibabalik. Ang pinakamababang maibibigay sa kanila ay katotohanan at pananagutan.


Nasunog ang barko. Huwag hayaang matupok kasama nito ang pananagutan.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page