top of page
Gary V. - IG.jpg

Pondo sa ayuda, hindi sa ‘bulsa’

Writer: BULGAR
BULGAR
8 hours ago
1 min read

by Info @Editorial | September 11, 2026



Editoryal, Editorial


Hindi maliit na bagay ang babalang may tinatayang P30 bilyong bawas sa pondo ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) sa 2027. 


Sa programang ito, kumakapit ang maraming pamilyang biglang nangangailangan ng tulong para sa pagpapagamot, pagpapalibing, pagkain at iba pang kagyat na gastusin.


Kung kailangang magtipid ang gobyerno, hindi dapat ang ayuda sa mga nasa krisis ang unang tinitingnan. Ang P30 bilyon ay hindi lamang numero sa national budget—katumbas nito ang tulong na maaaring hindi makarating sa libu-libong Pilipinong walang ibang malalapitan.


Dapat ding tiyakin na bawat pisong inilaan sa AICS ay napupunta sa tunay na nangangailangan, hindi sa bulsa ng iilan. 


Kung may problema sa sistema, ayusin ang pagpapatupad, higpitan ang pagbabantay at alisin ang anumang puwang para sa pamumulitika—huwag basta bawasan ang pondo na para sa mahihirap.


Sa paghimay ng Kongreso sa 2027 national budget, kailangang malinaw ang prayoridad: protektahan ang pondong direktang sumasalo sa mamamayang nasa kagipitan. 

Ang pagtitipid ay kailangan, pero hindi dapat ang pinaka nangangailangan ang magbayad ng pinakamabigat na presyo.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page