top of page
Search
  • BULGAR

Zelensky, nangako ng tagumpay laban sa Russia

ni Eli San Miguel - Trainee @News | February 25, 2024




KYIV, Ukraine - Nangako ang Pangulo ng Ukraine na si Volodymyr Zelensky ng tagumpay laban sa Russia sa paggunita ng ikalawang anibersaryo ng pagsalakay sa kanila noong Sabado.


"We will win," aniya sa isang seremonya sa paliparan ng Gostomel sa Kyiv, na naging target ng Russia noong mga unang araw ng pagsalakay noong 2022.


Nagsalita siya kasama ang mga prime ministers ng Canada, Italy, at Belgium, at si EU Commission chief Ursula von der Leyen na dumating sa Kyiv upang markahan ang anibersaryo.


Nang ihayag ni Pangulong Vladimir Putin ng Russia ang "special military operation" noong madaling-araw ng Pebrero 24, 2022, marami ang umasa sa kanilang tagumpay sa loob ng ilang araw, ngunit lumaban ang Ukraine, na nagtulak sa mga grupo ng Russia na umatras.


Ngunit nagkaroon ng mga balakid ang Ukraine dahil sa kabiguan ng kanilang grupo noong 2023.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page