ZEINAB, NILOKO, MINURA ANG BF NA SI RAY PARKS
- BULGAR
- Feb 26, 2024
- 1 min read
ni Rensel Sabando - Trainee @Entertainment | February 26, 2024

Sa naging recent vlog ni Zeinab Harake, mapapanood ang kanilang late Valentine celebration ni Ray Parks, isang basketball star kasama ang kanilang mga kids.
Hindi inakala ng vlogger na marunong palang mag-prank si Ray, kasi nga mahiyain ito nu’ng mga unang video kasama ang boyfriend.
Sa vlog, mapapansin na tinanong ni Zeinab si Ray kung anong plano nito at sumagot lang ito ng “Ha?” sabay luhod, na ‘yun pala’y natapilok lang tapos biglang tumawa.
Ani Zeinab, “Ga*u, nanggigigil ako dito,” na kinatuwaan naman ng mga netizens.
Halatang mas naging playful at dynamic sina Ray at Zeinab, at nakuha agad nila ang kiliti ng kanilang mga fans.
Nag-comment naman si Kyo Quijano, “Aww Lucas and Daddy Ray moment.”
Ilan pa sa mga komento: “Since dumating si Daddy Ray sa buhay nila Zeinab, sobrang laki talaga ng ipinag bago niya,” “We can't be the man that we are without our woman, awwww,” “Man to Man talk is so pure love, grabe ‘yung Ray Parks sa pagmamahal kay Lucas at Bia,” at marami pang iba na talagang natuwa at kinilig din sa vlog.
Samantala, patuloy itong nakakakuha ng maraming views and likes mula sa kanilang supporters at mga fans.





Comments