ZEINAB, NAGPAGAWA NG P5M DIYAMANTENG NGIPIN
- BULGAR

- 3 hours ago
- 2 min read
ni Beth Gelena @Bulgary | July 2, 2026

Photo: Zeinab Harake - IG
May tsika ang pambansang Marites na si Christian Albert Gaza sa kanyang Facebook (FB) account tungkol sa ipinagawang ngipin ng vlogger na si Zeinab Harake.
Kuwento ni Gaza, “Last December, nagpunta sa Bangkok si Zeinab para suportahan ang Gilas Pilipinas.”
Nag-bonding daw sila nang magkita at napansin ng content creator ang kanyang veneers, na nagustuhan daw ni Zeinab.
Pagmamayabang daw niya rito, “Well, s’yempre naman, P600K ‘yan, eh.”
“Nalaman ko na lang last week na nagpakabit pala ng diamond-cut veneers ang g*ga worth P250K each. Diyos ko, P5 million ang isang buong set. Nakakaloka! Ngipin pa lang, eh, house and lot na.”
Patuloy niya (as is), “So nag-DM (Direct Message) ako kay Zeinab sa IG para kumpirmahin kung legit ba o fake news lang ‘yung nasagap kong chika kasi sure ako na wala pa nito sa Southeast Asia. Sa Europe at Dubai ko lang na-heard ang diamond veneers, dumating na pala sa Pinas. Doon sa Dr. RFD na mukhang kapatid sa labas ni Vicky Belo.
“Sa loob-loob ko, paano naging diamond chenelin ‘yan. Parang same same lang naman sa akin.”
Sa video lang daw pala makikita ang pagiging diyamante ng ngipin ni Zeinab Harake.
Aktor, ‘di kayang may ibang kahalikan ang misis… OYO AT KRISTINE, ATRAS MAKATRABAHO ANG MGA EX
Ayaw nang makipagtrabaho ng mag-asawang Oyo Boy Sotto at Kristine Hermosa sa kanilang mga ex. Ipinaliwanag ng aktor na personal na desisyon nila ito.
Sa isang Facebook (FB) Reel, sinabi ng aktor na matagal na nilang napagkasunduan ang paninindigang ito at hindi ito dahil may alitan sila sa kanilang mga ex.
Sey ni Oyo, “Kami ni Tin, we both agree. It’s our own personal conviction na ayaw naming makatrabaho ang mga ex namin.”
Ayon pa sa mister ng aktres, isa sa mga dahilan ay ang posibilidad ng mga eksenang may halikan o bed scene, na para sa kanila ay maaaring hindi sila komportable.
Aniya pa, “Parang ako, sa asawa ko, ayoko naman na nakikita kong may kahalikan na ibang lalaki ang asawa ko.”
Nilinaw din niya na hindi nila hinuhusgahan ang ibang artista o mag-asawang may ibang pananaw sa ganitong sitwasyon.
Aniya, personal lamang nila itong desisyon bilang paraan ng pagprotekta sa kanilang pagsasama habang nagpapatuloy sa kanilang karera sa showbiz.
NAGBALIK na sa taping sina Daniel Padilla at Kaila Estrada bilang magkapareha. Namataan ang dalawa na magkatugma ang kanilang OOTD (outfit of the day), kapwa nakasuot ng jacket at may hawak na magkaparehong baso sa kanilang mga larawan.
Lumipad na rin ang celebrity pair patungong Mindanao kasama ang production team para sa susunod nilang shooting schedule. Bagama’t hindi pa isiniwalat ang eksaktong lokasyon sa Mindanao, ipagpapatuloy nila ang paggawa ng kanilang proyekto matapos tapusin ang nauna nilang shooting schedule sa ibang lugar.
Kasalukuyan nilang ginagawa ang ikalawang season ng kanilang action series na Incognito, na pinagbibidahan din nina Maris Racal, Ian Veneracion, Baron Geisler at Anthony Jennings.
Sa ngayon, wala pang kumpirmasyon mula sa production team kung babalik pa ang iba pang cast mula sa unang season.





Comments