Zambales, niyanig ng magnitude 4.6 na lindol
ni Lolet Abania | July 15, 2022

Niyanig ng magnitude 4.6 na lindol ang bayan ng Masinloc sa Zambales alas-4:36 ng hapon ngayong Biyernes, batay sa report ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Naramdaman din ang pagyanig sa ilang bahagi ng Metro Manila.
Ayon sa Phivolcs, naitala ang lindol na may lalim na 40 kilometros at tectonic ang pinagmulan.
Wala namang inaasahang aftershocks o naiulat na napinsala matapos ang lindol.
Sinabi pa ng Phivolcs, nai-report ang Intensity II sa Quezon City, habang naitala ang Instrumental Intensity sa mga sumusunod na lugar:
* Intensity IV - Iba, Zambales
* Intensity III - Infanta, Pangasinan; Olongapo City, Zambales
* Intensity II - Gapan City, Nueva Ecija; Dagupan City, Pangasinan; Subic, San Antonio, Zambales
* Intensity I - Plaridel, Bulacan; Malabon City, Pasig City, Quezon City, Navotas City, Metro Manila; San Jose, Palayan City, Nueva Ecija; Guagua, Pampanga; Basista, Bolinao, Pangasinan; San Francisco, Quezon; Tarlac City, Tarlac





Comments