Zaldy Co, mani-Ninoy ‘pag uwi ng ‘Pinas — Roque
- BULGAR

- 9 hours ago
- 1 min read
by Lester Bautista @News | April 18, 2026

Photo: Harry Roque - FB
‘Mani-Ninoy ka’
Malaki umano ang tsansang magagaya ang dating kongresista na si Zaldy Co sa sinapit ni former Senator Benigno "Ninoy" Aquino Jr. kapag pinauwi ito ng Pilipinas, ayon kay dating Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque.
“Sigurado ako, napakalaki ng pagkakataon na mani-Ninoy ka. Papatayin ka nila,” ani Roque sa kanyang “The Spox Hour”.
Paliwanag ni Roque sa kanyang sinabi, si Co ang kaisa-isang tao na tumestigo na si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang umano’y mastermind pagdating sa pangungurakot sa pondo ng bayan.




Comments