'Yun lang daw makakapagligtas sa kanya… KRIS, NAGHAHANAP NG NURSE NA KAYA SIYANG BUHATIN
- BULGAR

- Nov 28, 2020
- 1 min read
ni Nitz Miralles - @Bida | November 28, 2020

As expected, marami nga ang nag-apply na nurse, pati male nurse, sa panawagan ni Kris Aquino na: “Naghahanap kami ng isa pang nurse, 'yung kaya akong buhatin. Only a nurse could save me. We’re hiring just in case you want. With benefit... SSS, Philhealth, PAG-IBIG.”
May nagtanong na kay Kris kung saan puwedeng magpadala ng application at kung puwede bang mag-apply ang male nurse.
Siguro, hintayin na lang ng mga gustong mag-apply ang announcement ni Kris kung saan magpapadala ng application at kung ano pa ang requirements bukod sa kaya siyang buhatin.
Speaking of Kris, sanib-puwersa sila ni Jose Mari Chan para i-promote ang big sale ng Shopee sa December 12. Ang ganda ng TVC kung saan nakasuot ng Santa dress si Kris at sabi nito, nag-attempt na siyang sumayaw.





Comments