‘Yun daw ang happiness nila… JULIA, UMAMIN NA SA PAGKAKAROON NG ANAK KAY COCO
- BULGAR
- 2 hours ago
- 3 min read
ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | June 8, 2025
Photo: Coco at Julia Montes - IG
Inamin ni Julia Montes na noong early stage ng relationship nila ay hindi niya maiwasang ma-insecure sa relasyon nila ni Coco Martin.
“Aminado naman ako, siyempre nu’ng medyo bagets-bagets pa, insecure talaga po,” sey ng aktres sa kanyang panayam sa vlog ni Karen Davila.
“Marami pong nag-a-advise sa ‘kin na ‘Dapat, alam mo ‘yung self-worth mo para ganito, para ganyan.’ Ang hirap pong isipin ‘yun ‘pag ‘di mo rin alam sa sarili mo nga ‘yung self-worth mo.
“So, si Coco ‘yung nagpa-secure sa ‘kin na parang ‘Oo nga naman, ba’t nga ba ‘ko mag-aano?’ Eh, kung s’ya, trabaho-uwi, trabaho-uwi. Tapos, lahat naman ng bagay, ikinukuwento n’ya sa ‘kin. Talagang mag-best friends kami.
“So, wala na rin akong ikaka-worry,” paliwanag ni Julia.
Hirit pa niya, “So, sila ‘yung dapat mag-worry. ‘Hi, girls!’” sabay-tawa ulit.
Natanong din ang aktres kung gusto ba nila ni Coco na magkaroon ng anak at mabilis na sagot niya, “Yes, of course po. And ano naman ‘yun, eh, ‘yun naman ang happiness sa buhay – ang family life.”
Natawa naman si Julia nang tanungin tungkol sa naging hinala ng mga netizens na anak nila ni Coco ang child star na si Zia Grace na kasama niya sa Saving Grace (SG).
Sey ni Karen, grabe raw ang conspiracy theory ng mga netizens at inayunan naman ni Julia dahil naranasan niya na raw ang mga bashings even before pa.
“Na-experience ko po with my mom pa lang, ‘di ba? Hindi pa nga po nila totally nakikilala at nami-meet ‘yung mom ko pero ang dami nang comments and ang dami nang hurtful messages.
“Ang naging mindset ko po talaga eversince nang nag-start na ako sa industry, nae-enjoy ko lang ‘yung private life.
“Meron akong mga bagay na hindi ko naman din kailangang i-share. Naging benefit po namin ‘yun, eh. At ngayon, lagi ko ring ipinagpapasalamat, kasi nga, importante po sa amin ang buhay namin, ang family life namin and all.
“Kung ano man ‘yung hindi namin isine-share, hindi dahil sa ayaw lang naming i-share. We’re just protecting kung ano ‘yung happiness na meron kami,” ang mahabang paliwanag ni Julia Montes.
HANGGANG ngayon ay overwhelmed pa rin ang TV host na si Valerie Tan sa pagkakapanalo ng kanyang travel show na I Heart PH (IHPH) bilang Best Lifestyle and Travel Show sa 38th Star Awards for TV.
Nang tanggapin nga raw niya ang award ay talagang kinikilabutan siya sa sobrang happiness.
“Grabe s’ya. ‘Yung alam mo ‘yung parang kinilabutan ka? Ganu’n ‘yung feeling. Goosebumps. ‘Yung pinangarap mo s’ya nang matagal pero nu’ng nangyari na, iba pa rin ‘yung feeling. Ang sarap-sarap talaga ng feeling. Parang nasa cloud nine,” sey ni Valerie tungkol sa pagkakapanalo niya.
Kaya nga lalo raw silang na-inspire para lalong pagbutihin ang show.
Ngayon nga, sa ika-10 season ng IHPH ay maraming bagong ipapakita si Valerie sa show. For the first time ay makikipag-collaborate siya sa Hong Kong Tourism Board (HKTB) in bringing the latest trends in fashion, beauty, lifestyle, food, and travel, all with a uniquely Filipino perspective.
“This collaboration presents a unique opportunity to highlight Hong Kong’s rich culinary, cultural, and entertainment offerings to Filipino audiences. Notably, IHeart PH is the first television program in the Philippines to offer a glimpse of Hong Kong Disneyland’s 20th Anniversary celebrations - The Most Magical Party of All,” pahayag ng HKTB regional director na si Liew Chian Jia sa mediacon for the 10th Season of I Heart PH held last Wednesday at the Luxent Hotel.
Sa bagong season ay sumabak sa mga buwis-buhay adventures si Valerie sa Hong Kong tulad ng pag-akyat sa 14-meter tall tower sa Cheung Chau Island.
Marami siyang ipapakita sa 3 episodes ng kanyang Hong Kong escapades at talaga naman daw sobra siyang nag-enjoy.
“I guess, one of the most unforgettable experiences is my encounter with the Giant Panda twin cubs at the Ocean Park Hong Kong,” pagbabahagi ni Tan. “I hope I’ll get to celebrate their first birthday this coming August. That will surely be one of the park’s most anticipated fun events this year,” saad pa niya.
Produced by TV8 Media Productions, mapapanood ang Season 10 ng I Heart PH every Sunday, 10:30 AM on GTV simula ngayong June 8.