Yulo sinungkit ang unang gold sa French Gymnastics
- BULGAR

- 2 hours ago
- 2 min read
by Gerard Arce @Sports News | May 19, 2026

Photo: Mula sa ginto hanggang sa serbisyo sa bayan. Bukod sa pagiging double Olympic champion, may bagong papel si Carlos Yulo sa likod ng gymnastics, tulad ng pagiging bagong reservist ng Philippine Navy para sa patuloy niyang pagbibigay inspirasyon sa sport at serbisyo para sa bayan.
Nagbigay ng panibagong karangalan sa bansa si 2024 Paris Olympics double gold medalist Carlos Edriel “Caloy” Yulo matapos na sumungkit ng gintong medalya sa unang salang sa French men’s Artistic Gymnastics Championships kahapon (oras sa Pilipinas) sa OAJLP Gymnastique sa Amiens, France.
Nagpamalas ng kahusayan ang 26-anyos na 3-time World champion para pasikatan ang mga katunggali sa French men’s artistic gymnastics upang makuha ang 14.250 na difficulty sa parallel bars, habang sinundan naman ito ng gold medal performance sa 15.050, upang patalsikin ang dating kampeon na ASVG Vallarius.
Lubos na ipinagmalaki at binigyang pagpapahalaga ang kanyang koponan sa nakuhang tagumpay sa loob ng kompetisyon kahit pa man bitbit ang pressure at mabibigat na sandali patungo sa nilahukang torneo. “So proud of what we all did last night! Everyone gave their all, and it really showed on the competition floor,” pahayag ni Yulo. “A lot of stressful moments and pressure behind this win, which makes it even more special. Really grateful for this team and everything we experienced together.”
Kasunod ng makasaysayang 2 gintong medalya sa Paris Games, muling nagpasikat ang 9-time Southeast Asian Games Pinoy gymnasts’ ng gintong medalya sa vault sa nagdaang 53rd FIG Artistic Gymnastics World Championships sa Jakarta, Indonesia, kaantabay ang tansong medalya sa floor exercises. Kuminang din si Yulo ng ginto sa floor exercise sa Artistic Gymnastics Asian Championships sa Jecheon, Korea, kasama ang tatlong tansong medalya.
Tulad ng kanyang nakababatang kapatid na si Karl, na nagbulsa ng isang ginto at dalawang tanso IG Artistic Gymnastics Apparatus World Cup Series, inaasahang sasabak ang magkapatid sa 20th Asian Games sa Aichi/Nagoya Japan simula Set.19 hanggang Oktubre 4.





Comments