Yulo, entra sa finals ng Fig World C'Ships
- BULGAR
- Nov 2, 2022
- 2 min read
ni Gerard Arce / VA - @Sports | November 2, 2022

Pasok sa finals ng apat na events si two-time World Champion at Olympian gymnasts Carlos Edriel “Caloy” Yulo matapos ang kanyang ipinakitang mahusay na performance sa preliminaries ng 51st FIG Artistic Gymnastics World Championships sa M&S Arena sa Liverpool, England kahapon ng umaga-Nobyembre 1(oras dito sa Manila).
Gold medalist sa floor exercise noong 2019 edition ng kompetisyon, umusad ang 22-anyos na si Yulo sa finals ng men’s individual all around makaraang pumangatlo sa iskor na 84.664 gayundin sa floor exercise kung saan sya ang nanguna sa naitalang 15.226.
Pasok din siya sa finals ng parallel bars pagkaraang tumapos na pang-apat sa iskor na 15.300 at 15.3, fourth) at sa vault matapos niyang pumangalawa sa iskor na 14.849.
Pumangatlo ito sa men’s all-around laban sa 24 na gymnasts upang makapasok sa finals ng makuha ang kabuuang 86.664 sa anim na apparatus upang makapasok sa top-eight.
Nauna ng nakakuha ng dalawang gintong medalya si Yulo sa 2019 Stuttgart sa floor exercise at 2021 Kitakyushu, Japan sa vault, habang silver medal ito sa parallel bars at bronze medal sa 2018 Doha. Qatar. “This was a wonderful outing by Caloy (Yulo’s), especially his third place finish in the men’s all-around qualifiers, and reaching the finals of the floor exercise, vault and parallel bars. A truly remarkable performance by a remarkable athlete,” pahayag ni gymnastics head Cynthia Carrion na nasa Liverpool din mismo. “It’s a really good result but it’s just the qualifying. I’m not being boastful, it’s not the final yet so I can do it in the final maybe I will say I am satisfied,” wika ni Yulo na nais na higitan ang mga mahuhusay na Japanese gymnasts na sina Wataru at Hashimoto sa top-two Japanese qualifiers sa men’s all-around.
Nakatakdang idaos ang final round sa Biyernes- Nobyembre 4.








Comments