Young acteess, kitikiti raw… DINA, INISMIRAN DAW NI FYANG, NAGSALITA NA
- BULGAR

- 1 hour ago
- 3 min read
ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | May 8, 2026

Photo: IG _dinabonnevie
Nilinaw ni Dina Bonnevie ang tsikang inismiran niya si Fyang Smith sa advanced screening ng Love Is Never Gone (LING) na ginanap kamakailan.
Magkasama ang dalawa sa naturang Prime Video original series na pinagbibidahan nina Joshua Garcia at Ivana Alawi.
Ayon kay Dina nang makatsikahan ng entertainment press last Wednesday sa isang pocket mediacon, love na love raw niya si Fyang at parang anak na rin ang turing niya rito. Ang tawag pa nga raw niya rito ay ‘my little shrimpy’ dahil favorite raw nito ang hipon.
‘Mommah’ naman daw ang tawag ng dalaga sa kanya.
Kuwento pa ng aktres, sinorpresa pa siya ni Fyang noong birthday niya last January 27. Ganoon sila ka-close.
“Oo, ang cute n’ya. Kahit makulit s’ya, ‘pag may eksena s’ya, she can deliver. So sa loob-loob ko lang, ‘Ah, naglalaro ka, ha? ‘Di ka nagko-concentrate, ha? Tingnan natin kung makaka-deliver ‘to. Tingnan ko lang. Makulit s’ya, ha? Nagdadadaldal ‘to, ha?’ Pero she can. On point,” tsika ni Dina.
Tuwang-tuwa raw siya kay Fyang dahil mukha itong ‘susuret’.
“Ano ba’ng susuret? Wala namang meaning ang susuret, eh. Parang maliit kasi na makulit na makulit,” sey niya.
Agree rin si Dina sa sinabi ng Regal producer na si Roselle Monteverde na parang si Maricel Soriano si Fyang.
“Parang oo, ganu’n kakiti-kiti si Fyang. As in makulit s’ya, but she can deliver. Kaya natutuwa kaming lahat sa kanya,” saad ng seasoned actress.
Samantala, magsisimula na ngayong May 8 ang Love Is Never Gone sa Prime Video. Dalawang episodes ang mapapanood pagsapit ng 12 midnight na susundan ng bagong episodes every Friday.
Produced ng ABS-CBN Studios at Dreamscape Entertainment sa ilalim ng direksiyon nina Manny Palo at Jojo Saguin, nasa cast din sina Jane Oineza, Jameson Blake, Ara Mina, Epy Quizon at marami pang iba.
Proud mommy si Aiko Melendez sa kanyang anak na si Marthena Jickain na isa sa 16 fresh faces na inilunsad ng Star Worx, ang bagong talent management ng TV5 na dating MediaQuest Artists Agency (MQAA).
Ginanap ang media launch last Tuesday (May 5) sa MVP Studios at present si Aiko para samahan ang kanyang unica hija.
Si Marthena ay 19 years old, 5’6” ang height at kasalukuyang nag-aaral ng AB Development Studies sa Ateneo de Manila University (ADMU). Ang talent niya ay acting, singing at marunong tumugtog ng gitara.
Bahagi siya ng Star Worx Block 1 kasama ang iba pang 15 hopefuls na sina Adam Buck, Amo Wilding, Chan Martin, Nico Matugas, Patrick Ballesteros, Spencer Capistrano, Wayne Leonard, Carmela Lorzano, Celyn David, Kaitlyn King, Keisha Serna, Nathalie Apollo, Rahil Gatali, Selina Griffin at Steph Razon.
Lahat sila ay nagpakitang-gilas sa entertainment press sa pamamagitan ng kani-kanilang singing at dance performances at halatang pinaghandaan talaga ng mga bagets ang kanilang kauna-unahang pagsalang sa stage.
Bago ipinakilala sa press ang 16 new faces ay sumailalim muna sila sa isang intensive training na tinatawag nilang ‘bootcamp of brilliance’, complete with dance choreography sessions, voice lessons, acting workshop at maging ang pagsasalita ng matatas na Tagalog ay pinag-aralan nila.
Dumalo sa launching ang mga big boss ng TV5 na sina Guido R. Zaballero, president and CEO ng TV5; Victorico P. Vargas, president and CEO of MediaQuest Holdings; Johnny Manahan; Star Worx head na si Jeff Remigio; at consultant for Entertainment Content and Creative Strategy na si Enrico Santos.
Sa speech ni Jeff Remigio, sinabi niyang two years ago pa nagsimula ang ideya na magkaroon ng nasabing artist agency.
Pahayag nito, “We needed to have an artist agency that at least would somehow support muna, support lang, the basic needs of the organization of the network, and then what we plan to do.”
Ibinahagi niyang ang kauna-unahan nilang artist ay si Cedrick Juan na noo’y katatapos lang gawin ang historikal na pelikulang GomBurZa kung saan ay pinag-usapan nang husto ang mahusay nitong pagganap bilang Padre Burgos.
“Today, I’m very happy to say that we have signed more than 50 artists from MQAA. We’re very proud of our artists today,” pahayag ni Remigio.
Anyway, abangan na lang natin ang Star Worx Block 1 artists sa mga shows ng TV5 at kung sinu-sino sa kanila ang unang sisikat.




Comments