Yorme, todo-sipsip kay P-Digong para maendorso
- BULGAR
- Dec 6, 2021
- 2 min read
ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | December 06, 2021
YORME, GUSTONG I-ENDORSO NI P-DUTERTE SA KANYANG KANDIDATURA FOR PRESIDENT KAYA TODO-SIPSIP NGAYON SA PANGULO--Pinuri ni Presidential candidate Isko Moreno si P-Duterte dahil naging matagumpay daw ang laban ng gobyerno nito para puksain ang COVID-19 sa Pilipinas.
Mantakin n'yo, dati panay banat ni Yorme sa Duterte gov't. na kesyo palpak ang tugon nito sa laban kontra COVID-19, pero ngayon ay pinupuri na ang pangulo.
Sa tema nang salitang ito ni Yorme ay isa lang ang naiisip ng publiko, na kaya siya sumisipsip kay P-Duterte ay gusto niyang siya ang i-endorso ng pangulo kasi umatras sa laban sa presidential race si Sen. Bong Go, boom!
◘◘◘
DAMING NAMATAY SA COVID-19, DAMING NAGHIKAHOS DAHIL SA KAPABAYAAN NG DUTERTE GOV'T., PERO NAGAWA PANG PURIHIN NI CHIZ SI P-DUTERTE--Hindi lang si Yorme ang sumisipsip kay P-Duterte, kundi pati si senatorial candidate Chiz Escudero kasi ayon sa kanya, napagtagumpayan daw ng gobyernong Duterte ang laban sa COVID-19.
Sa tema rin ng salita ni Chiz ay gusto nitong mahingi ang suporta ni P-Duterte sa pagbabakasakaling maging number 1 siya sa mga senatorial candidate sa halalang 2022.
Mantakin n'yo, libu-libo ang namatay sa COVID-19, daming nawalan ng trabaho at naghikahos ang pamumuhay dahil sa kapabayaan ng gobyerno, tapos itong mga trapo (traditional politicians) ay todo-sipsip kay P-Duterte para i-endorso ang kanilang mga kandidatura, mga pwe!
◘◘◘
PARAK NA ALYAS MAKOY, NAGBIGAY NG PAHINTULOT SA MGA GAMBLING LORDS NA MAG-OPERATE NG PASUGALAN SA CENTRAL LUZON KAPALIT NG PAYOLA--Isang pulis na alyas Makoy daw ang nagbigay ng pahintulot sa mga gambling lords sa Central Luzon na mag-operate ng illegal gambling at basta magbigay lang ng weekly tongpats, wala nang huli.
Paging PNP Chief Gen. Dionardo Carlos, paimbestigahan n'yo kung totoong pulis 'tong si "Makoy" kasi malaking kasiraan sa PNP ginagawa nito, na payagang mag-operate ang mga illegal gambling basta may kapalit na "payola", pwe!
◘◘◘
IPATIGIL ANG LAHAT NG PASUGALAN KASI BAKA MAGING SANHI ITO UPANG DUMAMI NA NAMAN ANG MAGKA-VIRUS--Bagama’t bumaba na ang mga COVID-19 cases sa Pilipinas, masasabing hindi pa rin ligtas sa pandemya ang bansa.
Kaya't panawagan natin kay Gen. Carlos ay sibakin ang mga hepe ng pulisya na mapatutunayang may nag-o-operate na illegal gambling sa kanilang jurisdiction kasi baka dahil sa mga pasugalan ay nalalabag ang social distancing at sa mga kubrador na nagbabahay-bahay para magpataya ng mga illegal na sugal, maging sanhi ito upang magkahawa-hawaan at dumami na naman magka-virus na Pinoy sa 'Pinas, period!





Comments