top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Yorme, non-stop na ang kahihiyan

BULGAR
Apr 30, 2022
2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | April 30, 2022


KUNG TINANGGAP NI BBM ANG HAMONG DEBATE SA KANYA NI VP LENI SANA NASAGOT NIYA ANG MGA ISYUNG IPINUPUKOL SA KANYA NG OPOSISYON – Hinamon ni presidential candidate, Vice Pres. Leni Robredo si presidential candidate, former Sen. Bongbong Marcos ng “one-on-one” debate, pero tinanggihan ito ng kampo ni Marcos.


Sayang ang pagkakataon na ito, na sa ganitong pagkakataon sana ay mabigyang-linaw ni BBM (Bongbong Marcos) ang mga isyung ipinupukol sa kanya ng oposisyon, sayang talaga, tsk!


◘◘◘


DAPAT KALIMUTAN NA NI LEODY DE GUZMAN ANG PANGARAP NIYANG MAGING PRESIDENTE NG ‘PINAS – Nang mabalitang hinamon ni VP Leni si BBM ng debate, ay agad umepal si presidential candidate, Leody de Guzman at gusto kasali siya sa debate.

Sa totoo lang, dapat nang kalimutan ni De Guzman ang pangarap niyang maging presidente, kasi kahit magtutuwad siya, malabong magkaroon ng katuparan ang ambisyon niyang maging pangulo ng Pilipinas, period!


◘◘◘


SUNUD-SUNOD NA KAHIHIYAN NI ISKO – Matapos ang kahiya-hiyang eksena ni presidential candidate, Mayor Isko Moreno na tumalon sa stage at natumba, ay napahiya na naman si Yorme nang pabulaanan ng Philippine Medical Association (PMA) ang sinabi ni Mayor Isko na suportado siya ng asosasyon ng mga doktor.

Kumbaga, parang sinabi na rin ng PMA na fake news lang ang ibinida ni Yorme na suportado siya ng organisasyon ng mga doktor, boom!


◘◘◘


MGA NAGDIIN KAY DE LIMA SA DROGA TIYAK KAKABA-KABA NA – Binawi ni drug lord Kerwin Espinosa ang una niyang testimonya na sangkot sa illegal drugs si detenidong Sen. Leila de Lima, na ayon sa kanya ay may mga namilit lang daw sa kanya na isangkot sa droga ang Senadora at dahil sa takot na may masamang mangyari sa kanya at sa kanyang pamilya kaya napilitan siyang isangkot si De Lima sa kalakaran ng illegal drugs sa bansa.


Dahil sa ibinulgar na ‘yan ni Espinosa ay tiyak kakaba-kaba na ang tropang Duterte na nagdiin kay De Lima sa droga, kasi puwedeng mangyari na kapag naabsuwelto na ang Senadora, ay sila (tropang Duterte) naman ang makulong sa selda, abangan!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page