Yorme, nganga na sa halalan, makakasuhan pa?! Doble-malas!
ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | April 29, 2022
MGA KAPARTIDO NI ISKO SA AKSYON DEMOKRATIKO, HINDI SIYA IBOBOTO? – Matapos batikusin ni Olongapo City Councilor Kaye Legaspi, vice president for youth of Aksyon Demokratiko (AD) dahil sa mga below the belt na atake ni AD presidential candidate Isko Moreno kay presidential candidate, Vice Pres. Leni Robredo, ay nagbitiw naman si SK (Sangguniang Kabataan) Pres. Bryan Cerebo bilang AD chairman ng Iloilo dahil hindi na raw nito nagugustuhan ang mga ginagawa ni Yorme na nakakaapekto na sa integridad ng kanilang partido.
Dahil dismayado na kay Isko ang kanyang mga kapartido, ay parang nakikita na ng publiko na ultimo mga partymates ni Yorme ay hindi siya iboboto sa pagka-presidente ng bansa, boom!
◘◘◘
ISKO MATATALO NA SA ELEKSYON, TILA MAHOHOYO PA – Sinampahan ng vendors market cooperative ng kasong graft sa Ombudsman si Mayor Isko dahil sa pagbebenta sa Divisoria Public Market sa Maynila nang walang public consultations sa mga stall owners ng palengke.
Doble-malas yata aabutin ni Isko, kasi bukod sa matatalo na siya sa eleksyon, ay tila mahohoyo pa siya sa kasong graft, saklap!
◘◘◘
HINDI LANG DEBATE, PATI INTERVIEW NG COMELEC TABLADO KAY BBM – Matapos isnabin ni presidential candidate, former Sen. Bongbong Marcos ang mga pa-debate ng Comelec, ay sinabi ng kampo ni BBM (Bongbong Marcos) na kahit ang interview na isasagawa ng komisyon sa mga presidentiables ay hindi rin sisiputin ni Marcos.
Hindi na talaga sisiputin ni BBM 'yan kasi kahit hindi siya dumadalo sa mga debate at interview ay top pa rin siya lagi sa mga pa-survey ng mga survey firms, eh kung magkamali siya ng sagot sa tanong sa interview, naku baka 'yan pa maging dahilan para gumewang ang kanyang kandidatura for president, boom!
◘◘◘
TRILYUN-TRILYONG INUTANG, TAPOS 12 PROJECTS LANG NAGAWA NG DUTERTE GOV'T.?! – Kinumpirma ng DPWH (Dept. of Public Works and Highways) na sa 119 Build, Build, Build projects na ibinida ng Duterte gov't. na gagawin, ay 12 lang pala sa mga proyekto ang natatapos gawin sa loob ng 6 na taong panunungkulan ni P-Duterte bilang presidente ng bansa.
Mantakin n'yo, ibinaon ni P-Duterte ang Pilipinas sa utang sa iba't ibang bansa at iba't ibang financial institutions sa mundo, trilyun-trilyong piso ang inutang, tapos 12 proyekto lang ang natapos.
Dapat imbestigahan 'yan ng Senado, kasi baka 'yung malaking bahagi ng inutang, ay sa bulsa ng mga buwaya sa pamahalaan napunta, period!





Comments