Yorme, masama ang loob na hindi pinayagang mag-motorcade sa Caloocan?!
- BULGAR
- Mar 4, 2022
- 2 min read
ni Ka Ambo - @Bistado | March 4, 2022
HINDI magkamayaw ang mga kandidato sa kaliwa’t kanang motorcade.
Kani-kanyang gimik at mga pautot!
◘◘◘
PERO pumapalag ang kampo ni Mayor Isko nang biglang ikansela ni Caloocan Mayor Oscar “Oca” Malapitan ang permit sa kanilang motorcade.
Daig pa ang tinamaan suntok na below-the-belt!
◘◘◘
MAAGA nang naisaayos ng kampo ni Moreno ang nasabing permit sa city hall ng Caloocan, sa pangunguna ni Lito Banayo, ilang araw bago pa ang nasabing motorcade.
Ayon sa impormante, kung kailan malapit at kinabukasan na ang motorcade, biglaan na lamang binawi ni Malapitan ang permit.
◘◘◘
IKINATWIRAN na bubugso raw ang trapik sa buong Caloocan dahil sumailalim na ang Metro Manila sa COVID-19 Alert Level 1.
Kinabigla ito nila Moreno dahil maayos nilang inilapit ang permit.
◘◘◘
KALMADO naman ang reaksiyon ni Moreno.
“Bibigyan ko ng laya ang taumbayan na makapili ng taong iboboto. Kaya para sa lahat ng mga kandidato, sa Maynila welcome kayo!” .
Nagkakainitan na talaga sa ground.
◘◘◘
SA totoo lang, pinayagan ni Malapitan magkaroon ng caravan sina BBM at Sara noong ikalawang linggo ng Pebrero, kung saan nasa ilalim pa ng COVID Alert Level 2 ang Metro Manila.
Matindi rin ang trapiko sa Caloocan noong panahon na iyon, ngunit hindi ito ininda ni Malapitan.
◘◘◘
DISKARIL man sa Caloocan, welcome na welcome naman sila Moreno sa Malabon.
Patas na patas ang trato ng mayor ng Malabon sa mga kandidato na dumadalaw sa kanilang siyudad taliwas sa Caloocan.
◘◘◘
HIGIT nang isang linggo ang giyera ng Russia sa Ukraine.
Palala nang palala ang sitwasyon.
◘◘◘
MAY ilang nagdedepensa kay Vladimir Putin at umaatake sa pambubuyo ng U.S.
Pero, marami ang pumapabor sa posisyon ng US at Europe.
Kumbaga sa social media sa ‘Pinas, kani-kanyang “trolls” lang ‘yan!
◘◘◘
WALANG duda, diretso ang krisis sa ekonomiya.
Imbes na makaraos matapos ang COVID-19, sa tingin natin ay lalong lalala ang sitwasyon.
◘◘◘
SA dalawang taong pamemeste ng COVID-19, hindi kinapos ng supply ang petrolyo — at nakaranas pa ng ibayong pagbaba ng presyo.
Pero, ngayon ay tapos na ang COVID-19 — sobrang taas ang presyo ng petrolyo!
◘◘◘
MAS grabe ang magiging sitwasyon sa mga susunod na buwan.
Ito na ang aktwal na krisis sa ekonomiya.
Kakapusin ng supply at sobrang taas na presyo ng mga bilihin!
◘◘◘
TAMA ang panawagan ng Ang Probinsiyano Partylist na paghandaan na ang face-to-face classes.
Ayon kay Representante Edward Delos Santos, pero dapat matiyak din ang kaligtasan ng mga estudyante at titser dahil nariyan pa rin ang banta ng COVID-19!
◘◘◘
PINAGKALOOBAN ng naturang partylist ang may 500 College students ng educational assistance sa Bocaue, Bulacan.
Nakiisa si Bulacan Vice-Governor Willy Alvarado at Bocaue Mayor JJS Santiago sa ginanap na programa.
◘◘◘
NAKIBALIKAT din ang third nominee na si Michael Chua na si Rondelle de Leon.
Kabilang sa benepisaryo ang mga college students na sina Eugene Munda at Nina Ortega ng Bocaue, Bulacan.
Malaking bagay umano ang tulong sa gitna ng nararanasang nilang krisis sa kabuhayan.








Comments