Yorme inayawan na ng mga supporters, nag-switch na kay VP Leni
ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | April 6, 2022
KAYA KAY VP LENI SUMUPORTA ANG 12K DOKTOR KASI ITO NAGSALBA SA KANILANG BUHAY AT 'NGANGA' LANG NOON SI SEC. DUQUE HABANG NAGKAKANDAMATAY SA COVID MGA DOKTOR — Labing-dalawang libong doktor sa Pilipinas ang gumawa ng manipesto na pagsuporta sa laban ni Vice President Leni Robredo sa presidential race.
May dahilan ang mga doktor na si VP Leni ang suportahan kasi ito ang itinuturing nilang nagsalba sa kanilang buhay dahil habang "nganga" lang si Sec. Francisco Duque ng DOH (Dept. of Health) noong maraming namamatay na doktor na tinatamaan ng COVID-19 noong March 2020 dahil wala ng magamit na mga PPEs (Personal Protective Equipments) kasi hindi pa dumarating ang in-order nitong mga imported PPEs sa China, nagpagawa ang OVP ng mga locally-made na PPEs sa Bulacan at ito ang dinistribute niya sa lahat ng ospital sa buong bansa, period!
◘◘◘
BBM PINASARINGAN NI ISKO, ANO KAYA ANG PASARING NA RESBAK NAMAN NG KAMPO NI MARCOS LABAN KAY YORME? — Sabi ni presidential candidate, Mayor Isko Moreno na ngayong Abril na ang deadline sa pagbabayad ng tax ng mamamayan, "sana all" daw ay magbayad na ng tax.
Ang pinatatamaan ni Yorme sa pasaring niyang ito ay ang isa sa katunggali niya sa presidential race na si former Sen. Bongbong Marcos patungkol sa P203 bilyong utang sa estate tax.
Dahil sa pasaring na ito ni Isko, ano kaya ang resbak na pasaring sa kanya ng kampo ni BBM? Abangan!
◘◘◘
YORME INIIWAN NA NG MGA TAGASUPORTA, NAG-SWITCH NA KAY VP LENI — Maraming tarpaulin na ipinagawa si Mayor Isko na may nakalagay na "Switch to Isko" na ikinalat sa iba't ibang panig ng bansa bilang panawagan niya sa ibang partido o grupo na nakasuporta sa ibang presidential candidates na siya na ang samahan sa laban sa pagka-presidente.
Ang masaklap, imbes mag-switch kay Yorme ang ibang grupo o partido, ay ang mga tagasuporta ni Isko tulad ng IM (Ikaw Muna)-Pilipinas na nakabase sa Visayas Region ang bumitaw ng suporta sa kanya, at kay VP Leni nag-switch o sumuporta, saklap!
◘◘◘
TAMA SI PING, HUWAG IBOTO ANG MGA MAGNANAKAW NA KANDIDATO — Ang panawagan ni presidential candidate, Sen. Ping Lacson sa mga botante ay huwag bumoto ng mga kandidatong magnanakaw.
Aba'y dapat lang, kasi sobrang bobo naman ng botante na alam na niyang magnanakaw ang pulitiko, tapos iboboto pa niya ito, boom!





Comments