Yorme, handa ba ilaglag si Doc Willie Ong para sa ‘endorsement’ ni P-Digong?
ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | February 10, 2022
SINO SA MGA PRESIDENTIABLES NA BABASBASAN NI P-DUTERTE ANG SUSUWERTEHIN, O BAKA MALASIN DIN?–Nag-umpisa na ang campaign period sa mga kandidato, pero hanggang ngayon ay wala pang ini-endorso si P-Duterte kung sino ang “manok” niya sa pagka-pangulo.
Sino kaya sa mga kandidato for president na babasbasan ni P-Duterte ang susuwertehin at mamalasin? Abangan!
◘◘◘
INENDORSO NG MGA NAGING PANGULO, TALO SA ELEKSIYON–Kaya natin nasabing susuwertehin at mamalasin ang i-endorso ni P-Duterte kasi sa totoo lang ay malaking bagay para sa mga kandidato sa pagka-pangulo ang endorsement ng pangulo dahil magagamit nito ang makinarya ng gobyerno sa pangangampanya, kaya nga lang ay baka malasin at matalo sa eleksiyon.
Tila nakatala sa kasaysayan na ang mga mina-“manok” ng pangulo ay natatalo sa halalan, tulad nina ex-Speaker Joe de Venecia na natalo kahit inendorso ni ex-Pres Pres. Fidel V. Ramos; ex-Defense Sec. Gibo Teodoro na natalo rin kahit inendorso ni ex-Pres. Gloria Macapagal-Arroyo at ex-DILG Sec. Mar Roxas na natalo kahit inendorso ni ex-Pres. Noynoy Aquino, boom!
◘◘◘
KAPAG SI YORME ANG BINASBASAN NI P-DUTERTE, LAGLAG ANG KATANDEM NITONG SI DR. WILLIE ONG–Sa mga presidential candidates, si Manila Mayor Isko Moreno ang madalas magparinig na nais niyang makuha ang endorsement ni P-Duterte.
Sa totoo lang, mali ang hangarin ni Isko na makuha ang basbas ni P-Duterte dahil meron siyang katandem for vice-president na si Dr. Willie Ong.
Kapag si Isko kasi ang binasbasan ni P-Duterte, tiyak na may kapalit ‘yan at ito ay ang kandidatura ni Mayor Sara for vice-president, so, paano ang mangyayari? Ilalaglag ni Yorme si Doc. Willie para makuha basbas ng pangulo? Buwisit!





Comments