YENG, AYAW PUMUNTA SA BAHAY NI RYAN, BUKING NA NAG-OUT OF TOWN KASAMA NG IBANG LALAKI

ni Mercy Lejarde @Talkies | September 10, 2026

Photo: YT Showtime
Naging guest si Yeng Constantino sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA) kamakailan at napag-usapan ang tungkol sa naging relasyon at pagkakaibigan nila ni Ryan Bang, kabilang na ang dahilan kung bakit sila nagkaroon ng distansiya sa isa’t isa.
Matatandaang nabanggit ni Yeng sa kanyang concert na ‘na-seenzone’ siya ni Ryan. After ng concert, nag-alala raw siya sa feelings nito kaya kinumusta niya at nag-reply naman sa kanya.
Gayunman, nilinaw niya kay Boy na may mas malalim palang dahilan kung bakit sila nag-drift apart.
Ayon naman kay Boy Abunda, isa sa mga dahilan kung bakit hindi nakipag-date si Ryan kay Yeng noon ay dahil wala itong sapat na pera para manlibre. Kaya ang ginawa raw ni Ryan, nagluto na lang ito sa bahay para kay Yeng.
Ibinahagi ni Yeng na nalaman lamang niya ang tungkol dito matapos ang kanilang concert.
“Ako po, nalaman ko lang po ‘yun after the concert. Minessage n’ya ako na, ‘Alam mo ba ‘yung reason nu’n, nag-aral ako magluto for you kasi ‘di kita kayang ilibre,’” ani Yeng.
Naalala rin ni Yeng na minsan niyang sinabi kay Ryan na hindi siya pumupunta sa bahay ng lalaki.
Aniya, “Tapos, sinabi ko sa kanya nu’n, ‘Uy, Ryan, pasensiya na. ‘Di kasi ako pumupunta sa bahay ng lalaki.’”
Ayon kay Yeng, nasaktan at nagtampo si Ryan nang malaman nitong nag-outing sila sa Tagaytay kasama ang kanilang Bible group, na kinabibilangan din ng ilang lalaki.
“Tapos, nagtampo s’ya kasi nu’ng that week, kaming magkaka-Bible group, kasama sina Kuya Richard, sina Kuya Eric pero may mga kasama rin po kaming babae, nagpunta kaming Tagaytay. So, sa kanya, sa isip n’ya, ‘Sabi mo, ‘di ka nagpupunta sa bahay ng lalaki. Pero bakit ang kasama mong mag-out of town ay mga lalaki rin?’” ani Yeng.
Dahil dito, mas naintindihan ni Yeng ang naging pananaw at naramdaman ni Ryan noon.
Nilinaw naman ni Yeng na hindi lamang iyon ang naging dahilan ng kanilang pagkakalayo. Marami pa raw siyang nalaman mula sa mga mensahe ni Ryan na nakatulong para mas maintindihan niya ang kanyang naramdaman at ang mga nangyari sa pagitan nila.
Ani Yeng, “Actually, isa lang ‘yan sa mga rason. Marami pa po s’yang na-message sa ‘kin na mas naintindihan ko s’ya. Sabi ko, ‘Ay, grabe, ano?’”
Binigyang-diin din ni Yeng na wala nang ibang kahulugan ang kanilang pag-uusap ngayon, lalo na’t may asawa na siya.
“And this is not something na parang, ah, dahil may asawa na rin po ako, Tito Boy. So, parang kumbaga, kaya rin po namin s’ya napag-usapan dahil it’s very important for him to explain to me ‘yung mga nangyari. So, walang misunderstanding,” ani Yeng.
Sa huli, ikinatuwa ni Yeng na nagkaroon sila ni Ryan ng pagkakataong makapag-usap nang maayos at tuluyang malinawan ang mga hindi pagkakaintindihan sa kanilang nakaraan.
“Natuwa ako na parang nagkaroon po talaga kaming dalawa ng conversation. Talagang nai-close namin s’ya nang maayos,” pagtatapos ni Yeng.





Comments