top of page

Year 2022, suwerte sa ex-seaman na gustong mag-abroad ulit

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 18, 2021
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Numero| May 18, 2021



Dear Maestro,

Isinilang ako noong June 23, 1993. Gusto kong malaman mula sa inyo kung ano ang aking masusuwerteng araw at taon. Dati na akong nag-apply sa abroad at makakaalis na sana ako kung hindi nagkaroon ng pandemya. Sa ngayon, may trabaho naman ako kahit papaano, pero maliit lang ang aking suweldo na hindi ikauunlad ng aking pamilya at minsan ay kinakapos pa.

Kaya gusto kong makasampa ulit sa barko kapag puwede na muling makapag-abroad. May pag-asa pa bang makapag-abroad ulit ang isang seafarer na tulad ko? Sa palagay mo, Maestro, kung mayroon pa, kailan ito mangyayari?

Umaasa,

Randy ng Toledo, Silang, Cavite

Dear Randy,

Ang birth date mong June 23, 1993 ay nasasakupan ng zodiac sign na Cancer pero medyo malapit lang din sa zodiac sign na Gemini. Habang sa birth date mo namang 23 o 5 (2+3=5), nagtataglay ka rin ng destiny number na 6 (6+23+1993=2022/ 20+22=42/ 4+2=6).


Napansin mo ba ang numerong 2022 nang kinompyut natin ang iyong destiny number? Ibig sabihin, dahil may suma na 6 ang 2022, at ang 2022 ay ang susunod na taon, sa nasabing panahon at sa edad mong 29 pataas, kusa kang papalarin.


Bukod sa taong 2022, ikaw ay lubha ring magiging mapalad sa mga susunod na taong 2023 at 2024 sa edad mong 30 at 31, higit lalo tuwing sasapit ang buwan ng Hunyo hanggang Hulyo at Oktubre hanggang Nobyembre, higit lalo sa mga petsa na 7, 16, 25, 4, 13, 22, 31, sa partikular na araw ng Linggo, Lunes at Miyerkules.


Habang, ayon sa iyong Travel Calendar, kusang aangat ang graph ng suwerte sa pangingibang-bansa at tulad ng nasabi na, eksaktong sa taong 2022 hanggang 2023, ‘pag nagkataon na nagiging normal na ang mundo dahil unti-unti na ring nawawala ang pandemya, sa taon ding tinuran, may masagana at mabiyayang pangingibang-bansang itatala sa iyong karanasan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page