Yate nasunog, 4 na-rescue
- BULGAR

- 21 hours ago
- 1 min read
ni BRT @News | July 20, 2026

Photo: PCG
Ligtas ang apat na tripulante ng isang pribadong yate matapos itong masunog sa karagatang sakop ng Brgy. Mabini, San Fernando, Romblon kahapon.
Ayon kay Romblon Gov. Trina Firmalo-Fabic, ang nasunog na yate na “My Jason” ay nagmula sa Subic at patungong Cebu.
Unang nasagip ng mga lokal na mangingisda ang apat na tripulante bago sila sinalubong ng mga rescue team na nagsasagawa ng search and rescue operation sa lugar.
Patuloy na nakikipag-ugnayan ang Philippine Coast Guard (PCG) sa mga tripulante upang alamin ang mga pangyayari, habang binabantayan din ang kalagayan ng nasunog na sasakyang pandagat.
Nagpasalamat din si Fabic sa mga tumulong sa rescue operation, kabilang ang mga lokal na pamahalaan ng San Fernando at Cajidiocan, Philippine Coast Guard, Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), iba pang uniformed personnel, at mga lokal na mangingisda.
Patuloy naman ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang sanhi ng sunog.





Comments