top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Yana's Silver at Factorah, markado sa Maiden Race

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 26, 2022
2 min read

ni Green Lantern - @Renda at Latigo | January 26, 2022


Bakbakan agad ang masisilayan ng mga karerista ngayong araw paglarga ng 3-Year-Old & Above Maiden race na pakakawalan sa unang karera sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.


Posibleng magdomina sa bentahan ang mga kalahok na sina Yana's Silver at Factorah na sasakyan nina veteran riders CP Henson at Rodeo Fernandez ayon sa pagkakasunod.


May distansyang 1,400 meter race, ang ibang kalahok sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) ay sina Meghan Maxene, Frankly Perfect, Eazacky, Pinkypromisesquad, Mount Amandiwing, Carried Away at Vitreus.


Ayon sa ibang karerista, puwedeng magbigay ng magandang laban sina Eazacky at magkakamping Pinkypromisesquad at Mount Amandiwing.


"Malaki rin ang tsansang manalo nina Eazacky, Pinkypromisesquad at Mount Amandiwing kaya mga tatlo hanggang apat ang pili ko dyan," saad ni Diego Santos, karerista.


Nakalaan naman ang added prize na P10,000 sa mananalong 3-year-old horse.


Tiyak na aabangan din ng mga karerista ang carry over sa winner take all na magsisimula rin sa Race 1.


Paglalabanan ng mga mananaya ang carry over na P1, 342, 933.86 kaya paniguradong pag-aaralan nila ito ng mabuti kung sino ang kanilang pipiliin na kabayo.


Samantala, magtatagisan ulit ng bilis sa pista ang tatlong kontrobersiyal na kabayo sa nakaraang 2021 Presidential Gold Cup na sina Super Swerte, Boss Emong at Sky Shot.


Nagsaad ng pagsali sina Super Swerte, Boss Emong at Sky Shot sa 2022 Commissioner's Cup na ilalarga rin sa nasabing lugar sa Pebrero 20.


May distansyang 1,600 meter race, makakatagisan ng bilis ng tatlong nabanggit na kabayo ay sina War Cannon, Union Bell, Best Regards, Son Also Rises at 2020 PGC ruler Pangalusian Island.


Ipamumudmod ang guaranteed prize na P2.5M sa unang anim na kabayong tatawid sa finish line.


Hahamigin ng mananalong kabayo ang tumataginting na P1.5M, kukubrahin ng second placer ang P500,000 habang mapupunta sa third at fourth ang tig-P250,000 at P125,000 ayon sa pagkakasunod.


Masisikwat din ng fifth at sixth ang P75,000 at P50,000 habang may P100,000 ang mapapanalunan ng breeder ng winning horse.


Unang tumawid sa meta si Sky Shot sa nakaraang PGC subalit nabago ang resulta matapos ang protestang ihinain ng kabilang kuwadra.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page