top of page
Search
  • BULGAR

XIAN, INAMING MASAYA KAY LEE

ni Rensel Sabando - Trainee @Entertainment | May 2, 2024


Kinumpirma na ng ex ni Kim Chiu na si Xian Lim ang kanilang estado ni Iris Lee na isang film producer.


Ani Xian, "Yes I'm seeing Iris."


Diin pa niya, "We are seeing each other and we are happy."


Nu'ng February 2024, kumalat ang kanilang dating rumors sa X (dating Twitter) dahil nakita silang magkasama sa isang larawan.


Sa photo, makikitang spotted ang dalawa posing with his arm around Iris shoulder, while si Iris naman hawak ang kamay ng aktor.


Ayon kay Xian, nagdesisyon siyang magsalita na since almost 5 months na rin naman ang breakup controversy nila ni Kim Chiu.


Binigyan na rin niya ng linaw ang haka-haka tungkol sa dahilan ng paghihiwalay nila ng dating nobya na wala naman daw katotohanan.


Aniya, "There’s no third party, That's it. That plain and simple."


Anyway, last December 2023 nang isapubliko ang kanilang paghihiwalay ni Kim na halos 11 years din ang itinagal.


Well, ngayong nagsalita na si Xian Lim about sa kanila ni Iris Lee, magsasalita na rin kaya si Kim Chiu tungkol sa kanyang love life? Meron ba o wala?


'Yan ang dapat nating abangan!

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page