Xian, alam mo na! KIM, UMAMIN KAY MARICEL SA LAGAY NG LOVE LIFE NIYA
- BULGAR
- Dec 20, 2023
- 1 min read
Updated: Dec 21, 2023
ni Beth Geleba @Bulgary | December 19, 2023

Sa vlog ni Maricel Soriano ay guest niya si Kim Chiu at ang concept ng dalawa ay maglalaro sila.
Ang isa sa mga eksena, tinanong ng batikang aktres si Kim about her love life.
Pabirong sinagot naman ni Kimmy ang tanong ni Maricel.
"Ang dami-daming nagbubulungan, kumusta raw ang love life mo? Tinatanong nila ang love life mo, eh, hindi naman ako makasagot dahil hindi naman ako ikaw.
"Sino’ng nagtatanong sa ‘yo?” tanong naman ni Chinita Princess.
“Mga fans mo, nagtatanong sila,” sagot naman ni Diamond Star.
Biglang natawa si Kim, “Hahaha! Ang love life ko ay naka-hang ngayon.”
Biro man o hindi ang sagot ni Kimmy, tanging siya lang ang nakakaalam.
Tanong uli ni Marya, “Parang telepono ba?”
"Oo!” muli niyang sagot.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin nagsasalita si Kim hinggil sa hiwalayan nila ng boyfriend na si Xian Lim.





Comments