X account ng PCG, na-wipe out

ni Eli San Miguel - Trainee @News | February 15, 2024

Biglang naglaho ang official page ng Philippine Coast Guard sa social media platform na X (dating Twitter), nitong Huwebes ng umaga.
Sa kasalukuyan, walang mga post o mga sagot sa pahina ng PCG sa X, ngunit nananatili ang mga "like" reactions, karamihan galing sa isang account na nagpo-promote ng cryptocurrency.
Hindi pa nakukumpirma ng PCG kung na-hack ang kanilang page sa X.
Ipinangako naman nilang tutugunan ang isyu.
“We will provide details as soon as it is cleared,” pahayag ng PCG sa isang mensahe sa Viber.
“Thank you for your support and patience so we can handle this matter efficiently,” dagdag nito.
Sa ganap na 11:30 ng umaga, sinabi ng PCG na "[we] retrieved access to our official X account with assistance from the X Support Team," at tila naibalik na rin ang mga nilalaman ng page.





Comments