top of page

WW III kapag naghuramentado si Putin

  • BULGAR
  • Nov 11, 2022
  • 1 min read

ni Ka Ambo - @Bistado | November 11, 2022


Umaatras na ang Russia mula sa sinakop na rehiyon sa Ukraine.


Ibig sabihin, malapit nang matapos ang digmaan.

Pero, 'yan ay kung magpapakumbaba ang Russia at tatanggapin ang mapait na katotohanang mahihirapan silang makubkob ang Ukraine.


◘◘◘


HINDI na Ukraine ang isyu ngayon, bagkus ay ang personalidad ni Russia strongman Vladimir Putin.


Kung sakaling maghuramentado si Putin, masasadlak ang daigdig sa ikatlong digmaang pandaigdig—pero 'yan ay kung sasangga ang China sa Russia.


◘◘◘


KAPAG hindi sinaklolohan o nakipag-alyansa ang China sa Russia, walang giyera-mundial na magaganap.

Walang bansa na nagnanais ng giyera—dahil walang magwawagi, bagkus ay daranas ang buong daigdig ng ibayong hirap—marami ang mamamatay, maging sa mamamayan ng superpower.

Sino ang magbubunsod ng giyera-mundial?


Wala.


◘◘◘


ANUMANG pagbabarumbado ay maaaring ipakahulugan sa digmaang pandaigdig, pero mabilis itong maaapula.


Mas dapat paghandaan ay ang pagtatapos ng kaguluhan—kung saan, mabilis na makakarekober ang buong daigdig.


◘◘◘


IMBES na pagkawasak, matitikman ng daigdig ang kaunlaran hindi pa nating nararanasan.


Imbes na maubos ang tao sanhi ng mga sakit, hahaba ang buhay na tao nang higit sa 100 edad—dahil sa inobasyon ng siyensya at mediko.


◘◘◘


MAGIGING mas masaya ang buhay ng tao dahil sa teknolohiya at imbensyong magpapagaan at magpapabilis ng komunikasyon at pagkilos.


Ang bawat rehiyon ay magiging tulad ng bansa na masiglang nag-uugnayan sa negosyo at turismo.


'Yan ang dapat paghandaan.


◘◘◘


SA ayaw o sa gusto ng mga Pinoy—sa malaon at madali, riyan makaaangat ang ating bansa.


Maganap sana ito na parang panaginip lamang.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page