WRMO kontra krisis sa tubig — P-BBM

ni Mylene Alfonso | April 29, 2023

Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., ang paglikha ng Water Resources Management Office (WRMO) na magsasama-sama sa hakbang ng pamahalaan para matiyak ang suplay ng tubig.
Ito ay makaraang lagdaan ni Pangulong Marcos ang Executive Order No. 22 kung saan nasa ilalim ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang bubuuing WRMO.
Layunin ng EO na ayusin ang ginagawa ng pamahalaan para matiyak na sapat ang water resources sa bansa.
Matatandaang inihayag ni Marcos na nasa krisis na ng El Niño ang bansa.
Pamumunuan ang WRMO ng isang undersecretary na itatalaga ng Pangulo base sa rekomendasyon ng kalihim ng DENR.





Comments