WorldRemit at BDO, mas pinadali ang dollar transactions para sa mga Pilipino
ni Fely Ng - @Bulgarific | May 13, 2021
Hello, Bulgarians! Alam n’yo ba? Simula ngayon, ang mga Pilipinong mayroong US Dollar account sa BDO Unibank ay diretso nang makukuha ang mga padalang dollar transactions galing abroad? Puwede rin ito i-pick-up at i-payout sa BDO Unibank branches, BDO Remit counters sa loob ng The SM Store at SM Business Services, at sa mga branch ng Villarica Pawnshop. Dahil ito sa mas pinalawak na partnership ng WorldRemit at BDO Remit.
Sa ilalim din ng mas pinatibay na partnership, ang mga customer ay puwedeng mag-transfer sa ibang Philippine Peso BDO account o tumanggap ng PHP cash mula sa BDO Unibank at BDO Network Bank branches. Maari rin itong tanggapin sa BDO Remit counters sa mga nabanggit na business centers at retail partners.
“Ikinagagalak namin ang pagtibay ng aming partnership sa isang kilalang pinansiyal na institusyon tulad ng BDO sa pag-aalok ng komprehensibong payout service. Ang pagsisiguro na madali, ligtas at mabilis ang pagpapadala ng pera sa mga minamahal sa Pilipinas ay ang dahilan kung bakit kami naririto. Malaki ang tiwala namin na dahil posible na ang diretsong pagpapadala ng pera sa BDO Unibank USD bank accounts sa Pilipinas at sa BDO Remit cash pick-up locations ay mapapalawak ang kakayahan ng aming customers sa pagtanggap ng suporta mula sa kanilang mga minamahal na nasa abroad,” ani ni Earl Melivo, Country Director ng Pilipinas sa WorldRemit.
Dagdag pa ni Genie Gloria, Senior VP at Head ng BDO Remit, “Ang WorldRemit ay partner ng BDO Remit mula pa noong 2014. Sila ay nakikibahagi sa aming layunin at pangakong paglingkod sa mga Pilipino na nasa abroad. Ngayon, magiging mas madali na para sa aming customers ang pagpapadala ng kanilang pera sa paggamit lamang ng WorldRemit app o website. Diretso na itong mapupunta sa BDO Unibank USD accounts dito Pilipinas, at pwede din na ito ay i-cash payout mula sa aming branches. Magiging mas madali na rin para sa customers na may USD account ang pag-top-up ng kanilang savings.”
Isa sa mga pangunahing kompanya sa buong mundo na nagta-transact ng international payments ang WorldRemit. Ang mga gumagamit nito ay puwedeng magpadala ng pera mula sa mahigit na 50 na bansa, kasama ang US, UK, Canada, Australia, at maaari rin magpadala sa mahigit na 150 na lokasyon. Depende sa lokasyon ng tatanggap, ang customers ng WorldRemit ay puwedeng pumili mula sa iba’t ibang paraan ng payout, katulad ng bank deposits, mobile wallets, cash pick-up, at mobile airtime top-up.
Samantala, ang BDO Remit ay ang sangay ng BDO Unibank na nagbibigay serbisyo tungkol sa remittances. Ang BDO Unibank ang may pinakamalawak na branch at ATM network sa Pilipinas. Mayroon itong 1,400 branches at mahigit na 4,400 ATMs na mahahanap sa buong bansa (kabilang ang BDO Network Bank — ang rural bank subsidiary ng BDO Unibank). Kabilang ang BDO Unibank sa SM Group na may-ari ng pinakamalaking mall at supermarket/groceries chain sa bansa.
Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), ang mga Pilipino na nasa abroad ay nagpadala ng mahigit $33 billion dollars sa Pilipinas noong 2020 (halos katumbas na halaga noong 2019).
Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.





Comments