World No. 1 Sabalenka at Djokovic posible vs. Eala
- BULGAR

- 1 day ago
- 1 min read
by Gerard Arce @Sports News | August 25, 2026

Photo: Circulated
Maaaring matupad sa unang pagkakataon na makaharap ni Filipina tennis star Alexandra “Alex” Eala si World No.1 Aryna Sabalenka kapag nagtagumpay ang pares nito kasama si 2024 Paris Olympics bronze medalist at kasalukuyang ATP World No.4 Felix Auger-Aliassime ng Canada kontra sa mag-asawang sina Gael Monfils at Elina Svitolina sa first round ng Mixed Doubles sa US Open Championship, Martes ng gabi.
Makakasagupa ang magwawagi sa paluan nina top seed Sabalenka at ka-tandem na si tennis legend Novak Djokovic kontra sa pares nina Leylah Fernandez at Frances Tiafoe sa 2nd round.
Nakasisigurong makakabulsa ng pa-premyo na $40,000 o mahigit sa P2.4 milyon sa first round sina Eala at Auger-Aliassime kontra sa husband-and-wife tandem na gaganapin sa Louis Armstrong Stadium sa USTA Billie Jean King National Tennis Center sa Queens, New York City.
Hindi magawang magpang-abot nina Eala at Sabalenka sa anumang singles match, kung saan nagawa ng makatapat ng Pinay tennister ang halos lahat ng manlalaro sa Top-10 ng WTA rankings. Sakaling makatuntong sa second round, maaaring makapagbulsa ang Filipino-Canadian pair ng $120,000 o mahigit sa P7.4 Milyon.
Hinihintay na lang ang makakaharap ni Eala sa singles match at ang magiging pormal na seeding nito na tinitingnang tutuntong sa pinakamataas na puwesto sa No.17 na gaganapin ang main draw matches simula Agosto 30.





Comments