World Champ Ochoa, magtatakda ng Jiu-Jitsu seminar sa Cagayan
ni Gerard Arce - @Sports | August 14, 2022

Nakatakdang maglunsad ng isang jiu-jitsu seminar si three- time IBJJF World champion Margarita “Meggie” Ochoa simula Agosto 18-19 sa Forge Jiu-Jitsu Headquarters sa Axis Gym sa Cagayan De Oro City.
Ibabahagi ng two-time Southeast Asian Games gold medalist ang kanyang mga natutunan at karanasan sa kanyang pampalakasan sa lahat ng nagnanais matutunan ang mga iba’t ibang pamamaraan at techniques sa jiu-jitsu.
Nito lamang nagdaang buwan ay naitaas na sa black belt ang 2018 World Brazilian Jiu-Jitsu Championship titlist ni 10-time World champion at dating mixed martial arts fighter Andre’ “Deco” Galvao’ nitong nagdaang Hulyo sa ATOS Jiu-jitsu headquarters sa San Diego, California sa Estados Unidos.
“Introducing 3x world champion and ATOS Black Belt Meggie Ochoa. She will be conducting a 2-day seminar in CDO. Open to all Jiujitsu enthusiasts,” ayon sa inilabas na post ng Forge Jiu-jitsu Cagayan De Oro sa kanilang Facebook account. “To those interested to join, please fill out this survey form: https://tinyurl.com/5bay49wj and PM us your proof of payment on or before the given deadline.”
Naging maningning ang karera sa napiling pampalakasan ng 32-anyos na dating track and field athlete sa Ateneo De Manila University. Na matagumpay na nagwagi ng kampeonato sa American National IBJJF Jiu-Jitsu Championships in Las Vegas Convention Center sa Las Vegas, Nevada sa Estados Unidos.
Dito tinalo niya ang ka-teammate na si American Faye Lynn Cherrier ng Atos Jiu-Jitsu sa women’s adult brown belt category sa bisa ng 6-2 iskor sa finals sa women’s 45kgs category.
Naging sunod-sunod ang mga napanalunang kompetisyon ng under-45kgs champion nang magwagi ito ng silver medal sa IBJJF World Jiu-Jitsu Championships sa The Walter Pyramid sa Long Beach, California nung Hunyo 1-5 sa parehong kategorya at ang 2022 Pan American IBJJF Championship sa Silver Spur Arena sa Kissimmee, Florida noong Abril bago ganapin ang 2021 SEA Games sa Hanoi, Vietnam.





Comments