ni Clyde Mariano @Sports | November 23, 2023
Matapos ang PNVF Challenge na ginagawa sa Rizal Memorial Coliseum, muling makakapanood ang mga Pinoy sa World Volleyball Beach Pro Tour Challenge na lalaruin sa limang improvised na sand courts sa Nobyembre 30 sa Nuvali sa Sta. Rosa, Laguna.
Mga koponan sa 30 mga bansa sa Asya at Europe sa pangunguna ng World No. 1 Norway at women’s top ranked Brazil ang kalahok sa competition na inorganisa ng Philippine National Volleyball Federation kapartner ang Ayala Land at suportado ng Philippine Sports Commission.
Maglalaro ang mga koponan nang sabay-sabay sa 5 venue na pangangasiwaan ng mga opisyal ng PNVF. “Actually, we want to put up six playing venues. We decided to put up five venues,” sabi ni Suzara. “This is a world class beach volleyball tournament featuring the world’s top teams.
I am expecting an exciting competition. Beach volleyball fans for sure will enjoy watching the games,” pagsisiguro ni PNVF president Ramon “Tats” Suzara sa press conference na ginawa sa PSC conference room na dinaluhan ni Commissioner Olivia “Bong” Coo at May Rodriguez.
Sa panayam kay Brazilian coach Kidday Barbosa naghanda nang husto ang kanyang players.
Kumpiyansa ang 46-year old mentor ng Rio de Janeiro na maganda ang ipakikita ng kanyang mga players na kanyang hinasa ilang buwan para paghandaan ang tournament.
Comments