top of page
Ralph Recto.jpg

Women's Run PH Series sa tatlong lungsod

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 4 hours ago
  • 1 min read

ni Anthony Servinio @Sports | July 31, 2026



 TAMPOK sa lingguhang PSA Forum sa RMSC ang pagdalo ng nagkampeon sa katatapos na  FIBA 3x3 Nations League 2026 Asia-2 Conference sa Petaling Jaya, Malaysia Gilas Pilipinas U21 Boys team na sina JJ Espanola Coach, Koji Buenaflor player, Earl Molina player, Jhonel Delarama player kasama sina SBP program director Ryan Gregorio at Erika Dy.

Photo: Ipinaliliwanag ni race organizer Nicole dela Cruz ang hinggil sa muling pagbubukas ng pampublikong rehistrasyon ng Women's Run PH sa Oktubre 25 sa Ayala Triangle Gardens sa Makati City na may temang "Mas Malaki. Mas Matapang. Mas Malakas." Ito ay para sa pambansang Kamalayan sa Buwan ng Kalusugan ng Kababaihan na pinalawak na rin hanggang sa Iloilo at Davao. (A. Servinio)



Magbabalik ang nangungunang patakbo na inorganisa ng mga kababaihan para sa kababaihan na mas pinalaki ngayong taon. Lalarga ang Lactacyd Women's Run PH Series sa tatlong lungsod para maipamalas ang lakas at husay ng Pinay.


Magsisimula ang serye sa Ayala Triangle, Makati ngayong Oktubre 25. Susundan ito ng mga karera sa Davao sa Enero 17 at Iloilo sa Hulyo 18 sa susunod na taon.


Sa Makati ay maaaring lumahok sa 10, lima at isang kilometro. May karagdagang 16 kilometro sa Davao at Iloilo.


Inaasahan na mahigit 12,000 ang lalahok sa Makati pa lang. Kasalukuyang ginaganap ang pagpapalista online sa Race Roster.


Tatanggap ang mga kalahok ng singlet, numero at maaaring kumuha ng karagdagang t-shirt. Oras na makumpleto ang karera ay gagawaran ng medalya na maaaring ikabit sa ibang medalya ng serye, t-shirt at bag na may mga regalo buhat sa sponsor.


Ang mga damit at medalya ay dumaan sa mabusising proseso ng paglikha. Ito ay para matiyak na pareho itong makakatulong sa maaliwalas na pagtakbo kasabay ng pagiging kaakit-akit sa mata.


Mula nang itatag ay naging ligtas na espasyo ang Women's Run. Nasaksihan ang kababaihan na tinutulungan at magsisilbing inspirasyon sa kanilang kapwa kababaihan. 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page