top of page
BIDA - DENNIS, NIRESBAKAN NG NETIZEN, ‘DI RAW MABUTING TAO DAHIL ENDORSER NG SUGAL_FB Denn

Rockets perpekto ang laro sa 5-0, VanVleet giniba ang Bucks

Writer: BULGAR
BULGAR
3 hours ago
1 min read

ni Anthony Servinio @Sports | October 30, 2026



INIPIT sa gitna si Jabari Smith ng Houston Rockets pero pinahiya  nang husto ang Milwaukee Bucks sa 132-100 sa NBA game kahapon. 							 (NBApix)

Photo: Inipit sa gitna si Jabari Smith ng Houston Rockets pero pinahiya  nang husto ang Milwaukee Bucks sa 132-100 sa NBA game. (NBApix)



Nag-iisa na sa taas ng buong NBA sa 5-0 ang Houston Rockets matapos daigin ang Milwaukee Bucks, 132-100, kahapon sa Fiserv Forum. Parehong galing sa unang talo, bumawi at sumosyo sa numero uno sa Eastern Conference ang Detroit Pistons at Philadelphia 76ers.


Hindi nakalaro ng buong 2025-26 dahil inoperahan sa tuhod, itinala ni Fred VanVleet ang kanyang pinakamahusay na laro na 15 ng kabuuang 24 puntos sa pangatlong quarter. Sumunod sina Amen Thompson na may 23 at Kevin Durant na may 18.

Tinalo ng Pistons ang Charlotte Hornets, 97-89, kung saan parehong 3-1 ang kanilang mga kartada bago maglaro. Uminit para sa 30 si Cade Cunningham.


Kumpleto muli ang mga bituin ng 76ers at nagbunga ito ng 114-109 tagumpay sa Indiana Pacers at tumbasan ang 4-1 ng Detroit. Bumira ng 17 ng kanyang 27 si Tyrese Maxey sa huling quarter upang nakahabol ang Philly mula sa 75-88.


Inalis ng Dallas Mavericks ang Oklahoma City Thunder sa hanay ng mga perpektong koponan, 120-96, sa likod ng 26 ni Cooper Flagg at pitong kakampi na may 10 o higit. Dalawang sunod na ang tagumpay ng World Champion New York Knicks at isama na ang Chicago Bulls, 133-127.






Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page