WNCAA, balik face-to-face ang 7 sports sa 53rd Edition
ni Clyde Mariano @Sports | January 19, 2023

Matapos ang dalawang taong hindi aktibo dahil sa global pandemic, muling babalik ang mga manlalaro sa WNCAA sa unang face-to-face confrontation sa 53rd season sa Enero 21 tampok ang pitong sports kasama ang basketball.
Unang sasalang ang mga manlalaro sa volleyball sa Sabado, matapos ang opening program na gagawin sa St. Scholastica College Cecilia Hall.
Una ang host Scholastica College at Saint Jude Catholic School ng 1 pm. susundan ng Assumption College at Miriam College ng 2:30 pm sa junior division. Sisimulan ang basketball sa Linggo, tampok ang tatlong junior games sa Chiang Kai Shek College sa Abad Santos sa Tondo.
Ngayon lang hindi lalaruin ang midget division sa 53rd edition ng liga na may temang “Rise..Fly...Soar High”. Ang CEU ang defending champion sa basketball at volleyball at ang CKSC sa junior sa basketball at De La Zalle-Zobel sa volleyball juniors.
Sa basketball sa Linggo, gagawin sa CKSC, maghaharap ang CKSC kontra La Salle College-Antipolo ng 8 a.m. susundan ng sagupaang DLSU-Zobel at Miriam College ng 9:30 am, at San Beda College-Antipolo vs. SPCP ng 1 pm. “We’re happy to see players from 14 teams play for the first time face-to-face after two years of inactivity because of global pandemic,” sabi ni WNCAA Executive Director Maria Vivian Manila sa press conference sa St. Scholastica's College.
Ang iba pang teams ay ang Assumption-Antipolo, Assumption College San Lorenzo, Miriam College, Philippine Women University, San Beda College-Alabang, St.Paul College Pasig, Saint Jude Catholic School, St., Stephen High School, University of Asia and the Pacific at University of Makati bukod sa host St. Scholastica College.





Comments