top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

WNBL Players, abangan, magpapalakas ng laro

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 16, 2022
2 min read

ni Anthony E. Servinio - @Sports | February 16, 2022





Upang makalaro sa Paris 2024 Olympics, patuloy na magte-training ang Women’s National Basketball League (WNBL) 3x3 upang makapuntos at pataasin ang antas ng Pilipinas sa FIBA 3x3 Ranking. Handa na lahat para sa 2nd leg ng liga sa Peb. 26 sa Muntinlupa City.


“Noong itinayo namin ang WNBL, dalawa ang aming layunin na ipamalas sa buong mundo ang husay ng Filipina at paramihin ang mga manlalaro na maaaring kunin ng pambansang koponan,” wika ni Commissioner Haydee M. Ong sa pagharap sa lingguhang Philippine Sportswriters Association (PSA) Online Forum kahapon. Sinamahan siya ng mga manlalarong sina Alyssa Villamor ng Leg One champion Uratex Dream, Kat Quimpo ng Uratex Tibay at Callie Paguigan ng Sureviewd.


Ayon kay Quimpo, magiging mas mahigpit ang kompetisyon sa Leg 2 at sisikaping talunin ang sister team Uratex Dream. Para kay Paguigan, masaya siya at natupad ang pangarap na maging Professional Basketball player. May posibilidad na maglaro ang mga Fil-foreigner basta may pasaporte at pasok sa mga patakaran ng FIBA. Bukas din ang WNBL 3x3 na mag-imbita ng banyagang koponan upang lalong pataasin ang kalidad ng mga laro.


Nakatakda ang 3rd leg sa huling linggo ng Marso o unang linggo Abril at magbibigay daan ang liga para sa national election sa Mayo 9. Ang mga nalalabing yugto ay gaganapin sa Hunyo 4, Agosto 6, Oktubre 1 at tutuldukan ng grand finals sa Oktubre 8.


Mahigpit pa sa health at safety protocol at lahat ay daraan sa pagsusuri at kailangang magpakita ng vaccination card bago makapasok sa palaruan. Hindi muna pahihintulutan manood ang publiko pero baka mapayagan na sila sa 3rd leg.


Samantala, idinagdag ni Commissioner Ong na magbubukas ang WNBL sa Marso 5. Papayagan maglaro sa 3x3 ang mga nasa regular na liga subalit kung siya ang masusunod, nais niya na maging eksklusibo ang mga players sa 3x3.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page