top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Witness ng bullying sa iskul

  • BULGAR
  • Dec 3, 2022
  • 2 min read

ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | December 3, 2022


Dear Chief Acosta,


Nakasaksi ng insidente ng bullying sa paaralan ang aking anak. Ito ay naganap sa pagitan ng dalawa niyang kaklase. Nais kong malaman kung ano ang nararapat gawin ng aking anak tungkol dito. - Xinia

Dear Xinia,


Para sa iyong kaalaman, ang Section 10 (B) (b), Rule VI ng Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Republic Act No. 10627 o ang “Anti-Bullying Act of 2013” ang batas na naaangkop sa iyong sitwasyon. Ayon sa nabanggit na panuntunan:


“b. Reporting the Bullying Incident or Retaliation

1. A victim or a bystander, or a school personnel who receives information of a bullying incident or retaliation, or any person, who witnesses or has personal knowledge of any incident of bullying or retaliation, shall report the same to the teacher, guidance coordinator or counselor or any person designated to handle bullying incidents.

xxx

4. Reports of incidents of bullying or retaliation initiated by persons who prefer anonymity shall be entertained, and the person who reported the incident shall be afforded protection from possible retaliation; provided, however, that no disciplinary administrative action shall be taken against an alleged bully or offending student solely on the basis of an anonymous report and without any other evidence.”

Ayon sa nabanggit na panuntunan, nararapat iulat ng biktima, testigo o hindi kaya’y empleyado ng paaralan na nakatanggap ng impormasyong may kinalaman sa insidente ng bullying o sinumang nakakita o mayroong personal na kaalaman ng ganitong uri ng insidente, sa isang guro, guidance coordinator o counselor o sinumang opisyal ng paaralan na itinakda upang humawak ng mga insidente na mayroong kinalaman sa bullying.


Samakatwid, nararapat lamang na iulat o ipagbigay-alam ng iyong anak ang nasabing insidente sa responsableng opisyal ng paaralan na itinakda upang humawak ng mga insidenteng mayroong kinalaman sa bullying upang ito ay kanilang matugunan. Kung iyong nanaisin, maaaring anonymous o hindi tukoy ang pangalan ng iyong anak. Ngunit sa gayong sitwasyon, dapat mayroon pang ibang ebidensya para masimulan ang pormal na aksyon upang disiplinahin ang nagkasala.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.


Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page